|
BANK ACCOUNT NG ADMIN BETS PINADEDEKLARA GO Team lulusob sa balwarte ni Recto Team Unity mababaon sa sariling hukay
|
TOP
STORIES
ASO jingle mabenta (Bernard Taguinod) Lalong nagiging mabenta ang ‘ASO’ jingle habang hinaharang nina Sen. Edgardo Angara, dating Sens. Vicente "Tito" Sotto III at Tessie Aquino-Oreta ang pag-eere nito sa broadcast media. Ayon kay Rez Cortez, chairman ng National Coordinating Council of Volunteers (NCCV), dinaig pa ng isang hit song ang ASO jingle dahil ubos na ang kanilang kopya dahil sa dami ng mga taong gustong magkaroon nito. "Napakarami ang nagre-request. Ubos na ang kopya namin kaya ‘yung mga nabigyan na lang ang nagbu-burn para maipakalat sa iba," pahayag ni Cortez na mistulang hindi natatakot sa mga kasong maaaring isampa sa kanya ng kampo ng tatlong senatorial candidates ng Team Unity. Kahapon, nagtungo sa Commission on Election (Comelec) ang abogado nina Angara, Sotto at Oreta na si Atty. Romeo Macalintal upang harangin ang pag-eere ng ASO jingle. Maging si Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzalez ay nakisawsaw na rin sa isyu at inirekomenda nito na kasuhan si Cortez dahil sa mga aksyon umano nito laban sa mga kandidato ng Team Unity. Sinabi ni Gonzalez na makakasuhan ng libel o slander ang mga taong nasa likod ng ASO jingle. "Bahala sila kung kasuhan nila ako," pahayag naman ni Cortez subalit wala aniyang makakapigil pa sa paglaganap ng ASO jingle dahil kumalat na ito sa mga ordinaryong mamamayan. Isang composer umano ang nagbigay sa kanya ng ASO jingle at siya lamang ang nagpakalat nito sa mga kakilala. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|