BANK ACCOUNT NG ADMIN BETS PINADEDEKLARA

ASO jingle mabenta

GO Team lulusob sa balwarte ni Recto

Palasyo asar-talo sa survey

Team Unity mababaon sa sariling hukay


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite


 

TOP STORIES

Sa likod ng mga barbed wires, ipinakikita ng mga raliyista ang dala nilang placards na nagsasaad ng pagkondena sa patuloy na pagpatay sa mga aktibista, pinakahuli ang isang lider ng grupo ng mga magsasaka sa Davao del Sur. Nag-rally ang grupong ito sa harap ng Camp Aguinaldo kahapon. (AP photo)

BANK ACCOUNT NG ADMIN BETS PINADEDEKLARA

Ni Rey Marfil


Sa pag-atras ng mga kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sumabak sa isang makatotohanang debate, isang panibagong hamon ang ikinasa ni opposition reelectionist Sen. Panfilo "Ping" Lacson upang magkaalaman kung sino ang nagpapayaman sa puwesto.

Ayon kay Lacson, isa sa mga nangungunang kandidato ng Genuine Opposition (GO), kung seryoso sa paglilingkod ang labindalawang senatorial bets ni Mrs. Arroyo, ngayon pa lamang ay dapat nang suportahan ng mga ito ang panukalang magtatakda ng waiver upang mabuksan sa publiko ang lahat ng kanilang mga ari-arian.

Lahat ng kandidato’y nagkukunyaring maglilingkod sa bayan, ayon kay Lacson, subalit hindi magawang suportahan ng mga ito ang kanyang proposed bill na naglalayong bigyang-karapatan ang gobyerno na buksan ang bank accounts ng mga public officials sa oras na mahalal sa puwesto.

"Isama mo rin kung susuportahan ng Team Unity. Kung may mananalo sa kanila, ang bill ko na magtatanggal ng karapatan sa lahat ng taong gobyerno sa ilalim ng Bank Secrecy Act para maging transparent sa mga tao anytime ang lahat ng sinasabing naglilingkod sila sa bayan," ani Lacson.

Kahit sinong itapat sa kanya ng Team-GMA sa debate, ito’y handang harapin ni Lacson hangga’t nakasentro sa graft and corruption ang unang topic na kanilang pag-uusapan sa Plaza Miranda o sa national television.

Sakaling hindi kayanin ng Team-GMA ang debate tungkol sa graft and corruption, kahit sino pang gabinete o secretary ni Mrs. Arroyo ay handang harapin ni Lacson, matuloy lamang ang pagdedebate sa national television.

Nang tanungin kung payag itong makaharap sa debate si Team Unity senatorial candidate Cong. Prospero Pichay, sinabi ni Lacson na: "I’d rather debate with him or anybody from the Unity on graft and corruption."

Maliban sa hamong lumagda sa waiver upang magkaalaman kung sino ang nagpapayaman sa puwesto, kinasahan ni Lacson ang one-on-one debate sa pagitan nila ni Pichay, kaakibat ang pagbibigay ng kondisyon na unahing pag-usapan ang ‘kikilan’ o pangongotong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at text book scandal.

"Baka magkaalaman kung sino ang maraming eroplano sa mga kandidato," ani Lacson na hindi naiwasang pagdudahan ang motibo ng paghahamon lalo pa’t laglag sa senatorial survey ang kongresista.

Bagama’t naka-sentro lamang sa peace and order ang gustong topic ni Pichay, nais ni Lacson na unahing pagdebatehan ang kikilan sa AFP, partikular ang kumpirmasyon ng ilang heneral at opisyal na nakasalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Maliban sa kikilan sa AFP, nais din ni Lacson na pag-usapan ang textbook scandal na pinaimbestigahan nito sa Senado, ilang linggo bago nagsara ang regular session ng Kongreso.

Magandang isyu ang peace and order sa national debate lalo pa’t sablay ang kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at kaliwa’t kanan ang extra-judicial killings, ayon kay Lacson, subalit mas exciting aniya kung kanilang pagdedebatehan ni Pichay ang graft and corruption sa bansa.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Lacson kung bakit "kikilan o pangongotong" sa liderato ng AFP, Commission on Appointments (CA) at monopolyo sa textbook ng Department of Education (DepEd) ang isyung nais nitong pagdebatehan nila ni Pichay.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top