3 KIDNAPPERS PATAY SA SHOOTOUT, BIKTIMA NAILIGTAS

Bebot na sinunog sa Las Piñas, buntis at burdado ng saksak

Sporting goods compound, nasunog

Tirador ng cable, huli

Pusher nabitag sa drug bust


Hulaan Blues

Top Stories

World Tonite


 

CRIME STORIES

Pinagtulungang patayin ng mga rumespondeng bumbero ang sunog na naganap sa compound ng isang sporting goods firm kung saan nadamay rin ang mga kalapit nitong kabahayan sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng hapon. (Devery Mark Alegata)

3 KIDNAPPERS PATAY SA SHOOTOUT, BIKTIMA NAILIGTAS

(Aries Cano)


Isang itinuturong lider ng kidnap-for-ransom group ang napatay kabilang ang dalawa pa nitong kasama matapos sumiklab ang madugong engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at mga operatiba ng pulisya samantalang nailigtas naman ang isang negosyante na nauna nang dinukot ng grupo sa Bagong Silang, Caloocan City kagabi.

Sa nakalap na impormasyon pasado alas-10:00 kagabi nang makaengkuwentro ng mga operatiba ng Northern Police District-Intelligence Unit ang grupo ng mga suspek sa safehouse ng mga ito sa Lot 5, Phase 4, Package 9, Bagong Silang.

Patay sa engkuwentro ang umano’y lider ng grupo na kinilalang si Bryan Diario gayundin ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaking kasamahan umano nito.

Wala naman umanong nasugatan sa panig ng mga pulis samantalang patuloy na pinaghahanap ang sinasabing apat pang nakatakas na miyembro ng kidnap gang.

Ayon kay NPD Director Pedro Tango, kilala ang grupo sa tawag na Bryan Diario KFR group na nag-o-operate sa Northern Metro Manila at Central Luzon.

Matagal na umanong isinasailalim sa surveillance ang naturang kidnap group hanggang sa kagabi ay natunton ang safehouse ng mga ito matapos dukutin ang negosyanteng si Eric Tan sa Fortune Village, Valenzuela City dakong alas-6:15 kagabi.

Matagumpay na nailigtas mula sa mga kidnapper ang biktimang si Tan na nagmamay-ari ng isang plastic company.

Puwersahan umanong tinangay ng mga suspek mula sa loob ng kanyang bahay ang biktima sa Lagdameo St., Fortune Village gamit ang isang kulay puting Mitsubishi na may plakang 823.

Samantala, napag-alaman kay Region 3 Police Director Ismael Rafanan na tatlong taon na ang nakakaraan, dinukot din umano ng nasabing kidnap group ang kapatid ng biktima na si Ivan Tan at pinatay matapos kidnapin.

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang baril na kalibre .45, isang kalibre .38 at isang granada mula sa mga suspek.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top