MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
THE WORLD TONITE
 
Migrante-M.E. dismayado sa CBCP
(Juliet de Loza)
 

Nagpahayag ng pagkadismaya ang grupong MIG­RANTE na nakabase sa Middle East sa umano’y “walang pangil” na naging paninindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa krisis na kinakaharap sa bansa.

Ayon sa MIGRANTE sa halip na kondenahin ng CBCP si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkakasangkot nito sa maanomalyang ZTE deal, minabuting ipinagkatiwala pa umano ng CBCP sa mga “lobo” (wolves) ang sambayanan.

Magugunitang sa pastoral statement na ipinalabas ng CBCP matapos ang halos 12 oras nilang emergency mee­ting ay tumanggi ang mga obispo na manawagan sa pagbaba sa pwesto ng Pangulo at sa halip ay hinikayat pa nito ang punong ehekutibo na pangunahan ang pagsugpo sa korapsyon sa bansa.

“Migrante, overseas Filipino workers and families, as faithful believers, are dismayed on the pastoral letter issued by the CBCP. The sheep are expecting support from their shepherd by joining the call for Mrs. Arroyo resignation to preserve integrity and morality in our socio-political institution, CBCP have just simply asked the Arroyo government to take the lead in combating corruption.” ayon kay John Leonard Monterona, Migrante Middle East regional coordinator, sa isang kalatas.

 

Microsoft Internet Explorer 7