MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
THE WORLD TONITE
 

Bilang protesta kay GMA

ZERO REMITTANCE DAY, INUMPISAHAN NA SA HONG KONG

(Bernard Taguinod)
 

Sinimulan na ng daan-daang libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakabase sa Hong Kong ang “Zero Remittance Day” isang kampanya ng mga Pinoy workers sa ibayong dagat laban sa katiwalian ng administras­yon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang nabatid kay Maita Santiago, secretary general ng Migrante International na inaasahang susundan ng mga OFWs na nakabase sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi sinabi ni Santiago kung magkano ang nawalang remittances kahapon sa gobyerno subalit tiniyak nito na iindahin ni Arroyo kapag sabay-sabay na hindi magpadala ng pera ang mga OFWs sa apat na sulok ng daigdig.

Tinataya ni Santiago na umaabot sa $30 milyon kada araw ang remittances ng may 8 milyong OFWS sa iba’t ibang panig ng mundo kaya $14.3 bilyon ang dumarating na pera sa Pilipi­nas kada buwan.

Ayon kay Santiago, isang beses kada buwan hindi magre-remit ang mga OFWs na magpapatuloy hangga’t nakakapit umano sa poder si Arroyo bilang kanilang protesta.

Tiyak aniya na iindahin ni Arroyo ang aksyon ng mga OFWs na tulad ng marami ay dismayado na umano ang mga ito sa pa­tuloy na paglala ng corruption sa bansa.
Ang aksyong ito ng mga OFWS, ayon pa kay Santiago, ay bilang pakikiisa sa mga kababayan sa Pilipinas na nagpoprotesta dahil sa lumalalang katiwalian sa pamahalaan.

Hindi aniya lingid sa kaalaman ng mga OFWs ang mga nangyayari sa Pilipinas partikular na ang pagkakasangkot diumano ng asawa ni Arroyo na si First Gentleman Mike Arroyo sa ZTE-National Broadband Network (NBN) contract scandal.

Samantala sa Sydney Australia, nakiisa na rin aniya ang mga OFWs na nakabase dito sa panawagan kay Arroyo na bumaba na ito sa puwesto.

Sinabayan ng mga OFWs sa iba’t ibang bansa ang interfaith rally sa Makati City sa pamamagitan ng pagpoprotesta sa harap ng mga embahada ng Pi­lipinas sa kinaro­roonan nilang bansa.

 

Microsoft Internet Explorer 7