Uumpisahan bukas, Lunes, Marso 3 ang screening ng mga cockerels bilang paghahanda sa malalaking stag derbies na gaganapin sa Makati Coliseum sa buwan ng Setyembre at Oktubre.
Tatagal ng isang buwan (Marso 3 hanggang Marso 31) ang screening at wingbanding na pamamahalaan ng grupo ni Rey Oliveros.
Inabisuhan ni Oliveros ang mga gamefowl breeders na makipag-ugnayan mula sa Makati Coliseum (896-3545, 489-8828 at 895-6475) para sa appointment ng farm-to- farm screening.
Samantala, lalargahan din bukas, Lunes, Marso 3 ang “WTJ 4-cock derby” na mayroong garantisadong P300,000. Itinakda sa P11,000 ang entry fee.
Nakaprograma naman sa Marso 10 ang ikatlong leg ng Pinoy Cockers Association of the Philippines (PCAP) 5-cock derby at ang Winning Time 5-cock derby ni Rudy Salud sa Marso 12.
|