Tiniklop naman ni Mark Borboran ang kayod na inumpisahan ni Fil-Am Gabe Norwood nang kapana-panabik na eskapuhan ng Hapee Toothpaste ang Bacchus Energy Drink, 85-83, at makatabla sa tuktok ng katayuan sa Philippine Basketball League Lipovitan Amino Sports Cup sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Nabigong mabasag ang depensa ng Bacchus, napuwersa si Norwood na ipasa ang bola kay Borboran na naiwang bukas sa kaliwa para makabitaw.
‘Di naman binigo ng dating University of the East star si Hapee coach Louie Alas sa nakanang pangalawa niyang triple sa laro na naging blade na humiwa sa lalamunan ng Raiders sa huling apat na segundo.
May tsansang maitakbo pa ng Raiders ang game sa tres o tabla sa 2-pointer subalit na-deflect ni Norwood ang attempt ni Nat Cruz kasabay sa alingawngaw ng buzzer.
Sa panalong muli, inakbayan ng Complete Protectors ang nagtatanggol na kampeong Harbour Centre sa pamumuno sa torneo sa 2-0 at ang Pharex, na umiskor ng 98-78 win kontra Toyota Otis. Natikman ng Bacchus at Toyota ang pangalawang sunod na mga tilapon.
Naging instant guro naman ang Burger King sa Nokia Philippine Youth team sa paglista ng 83-61 victory sa pantaas ng kurtinang labanan.
Box scores:
First Game
Burger King 83-Popus 17, David 14, Masbang 10, Arellano 7, Bravo 6, Baluyot 6, Ballesteros 5, Misa 5, Bonus 4, Gregorio 3, Canlas 2, Santos 2, Barcellano 2.
Nokie RP Youth 61-Tolentino 9, Marata 9, Garcia 7, Paredes 6, Teng 5, Banal 5, Terso 5, Mendoza 4, Flores 4, Sumido 3, Golla 2, Manguerra 2, De Guzman 0, Mendoza 0.