MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Lakers silat sa Portland
(AP)

PORTLAND, Ore. --- Si Brandon Roy ang nakapaglunsad ng paghahabol ng Portland Trail Blazers sa pinaleng 24 na sabak.

Pinaaalingawngaw niya sa kanyang mga karan­tso: “Let’s make a push, you guys!”

Rumespondeng muli ang Portland sa hataw na 119-111 pagpigil sa Los Angeles Lakers. Nagbuslo si Roy ng 20 puntos at pumasa ng career-high 12 assists matapos maglaho sa nakalipas na dala­wang salang dahil sa pilay sa kanang bukungbukong.

Nagsubi si LaMarcus Aldridge ng 22 points para sa Portland, na tinuldukan ang 10 kabit na pana­nalasa ng Lakers at pito ring kabit sa labas ng teri­toryo.
“We were having fun out there,” bulalas ni Roy, “and hopefully this confidence rolls over to the rest of the season.”

Abante ang Portland sa maaga ng fourth quarter, 96-90, ngunit ang 3-poin­ter ni Sasha Vujacic ang nagtabla sa 100 sa gitna ng nasabing yugto. Nagsalpak pa si Vujacic ng trey para ipatas sa 107 sa natitirang 3:05, subalit ‘di nakabentahe ang Lakers.

Nakapagbutas si Roy ng pares ng free throws, at si Travis Outlaw ay nakasapol ng jumper para sa 111-107 sa nalalabing 2:14. Nagdagdag pa si Aldridge ng foul throw para palawigin ang kalama­ngan ng hukbo niya.

Pumalya si Kobe Bryant sa kanyang 3-point shot sa pinaleng wala nang isang minuto. Sina Roy at Jarrett Jack ang mga pumukol pa ng apat na shot at ibigay sa Trail Blazers ang pinakamala­king abante, 117-107, at selyuhan ang pananaig.

“They made all the big shots,” komento ni Bryant. “They shot it extremely well.”
Nagtumpok si Bryant ng 33 points para sa La­kers, na nalasap ang panlimang sunod na talo sa Rose Garden.

Tumabo si Jarrett ng 21 markers at 10 feeds para sa Blazers, na kagaga­ling lang sa pagbiktima rin sa Los Angeles Clippers noong Miyerkules. Maaga ng isang araw, tumaob ang Portland sa Lakers sa Staples Center, 96-83.

Nanalanta ang Trail Blazers nang nakakasorpresang 14 games noong Disyembre subalit inalat at nasipa sa playoffs.

Sa Houston, walang bahid ng pagkatalo ang Houston Rockets sa buwan ng Pebrero ngunit paano kaya ngayong Marso?

Nagtala si Tracy McGrady ng 25 points at anim na assists para sa Rockets na pinasabog ang Memphis Grizzlies, 116-95, noong Biyernes sa Friday upang i-extend ang kanilang winning streak sa 14, ang pinakamahaba sa liga ngayong season.

Iisang panalo na lamang ang layo nila upang mapantayan ang franchise-longest winning streak, na dalawang beses na nilang nakakamit kung saan ang pinakahuli nito ay sa kanilang championship season noong 1993-94.

Susubukan nilang ulitin ito sa Linggo sa Denver. Ito ang ika-18 panalo ng Houston sa 19 na salang at ikalawang sunod sapul nang mawala sa kanila ang All-Star center na si Yao Ming sa kabuuan ng season dahil sa stress fracture sa kanyang kaliwang paa.

“It’s great. It was a short term goal of ours and we accomplished that,” pagtukoy ni McGrady sa kanilang 14-0 record sa Peb. “But despite our sweeping February, we still can’t be overconfident. We’ve got an offensive team coming in here Sunday and we’ve got to keep it going.”


 

 


Microsoft Internet Explorer 7