MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Sinasayang ang buwis
ni Bernard Taguinod


Mukhang hindi nagkakamali si Albay Gov. Joey Salceda ah. Mukhang hindi sila nagkakamali nang sabihin niyang “luckiest bitch” ang kanyang amo sa Malacañang?!

Biro mo, nalagpasan na naman ni Mrs. Arroyo ang pagsubok sa kanyang administrasyon nang matapos ang interfaith rally nang mapayapa. Buti na lamang walang ninerbiyos sa kanyang mga tao dahil baka naulit ang February 2006 na nagdeklara ng State of Emergency.

Pero dapat mayroong natutunang leksyon si Mrs. Arroyo sa naturang rally at huwag siyang masyadong tiwala na siya ay masuwerte. Sabi nga ng mga matatanda, dapat kang kabahan kapag sunud-sunod ang suwerte mo dahil may mga kapalit na kamalasan iyan.

Ayaw kong idalangin na mamalasin din si Mrs. Arroyo pagdating ng araw pero dapat niyang isipin na kahit ang araw ay lumulubog. Hindi niya dapat ipagwalang-bahala ang problema ng lahat, ang corruption sa kanyang gobyerno.

***

Kahit anong paghuhugas-kamay ni Philippine National Police (PNP) director General Avelino Razon na hindi nila pinigilan ang mga tao mula sa lalawigan na sasali sa rally laban sa misis ni First Gentleman Mike Arroyo ay walang maniniwala.

Saan ka nakakita na ang mga anti-Arroyo rallyists lang ang hinaharang at pinatutuloy naman ang mga hinakot ng administrasyon para sumama sa napakaliit na puwersa sa Welcome Rotonda.

Hindi ko alam kung paano nakapasok ang tatlong jeep ng mga taong supporters ni Gloria na dinala sa Camp Crame. Hindi kaya hakot ito ni Candaba Mayor Jerry Pelayo ba iyon? Nagtatanong lang!

Pero ‘ika nga nila, matalino man ang Matsing (sino kaya sa kanila), naiisahan din dahil may isang grupo ng mga raliyista ang nakalusot sa checkpoint matapos sabihin sa mga pulis na sila ay pro-Gloria ‘di ba Rene Balisi?. Waaaaaa naisahan sila he he he.

***

Mukhang nagte-tengang-kawali talaga si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando hinggil sa problema ng mga motorista sa Commonwealth Ave., sa Quezon City partikular na ang approaching ng Sandiganbayan.

Marami na ang nadale sa naturang lugar dahil sa istraktura na itinayo na hanggang ngayon ay hindi malaman kung ano ang paggagamitan dahil hindi naman yata pang-U-turn ang gamit.

Kung galing ka sa circle, napakaluwag ng kalsada pero pagdating mo sa sinasabi kong lugar, dalawa’t kalahati ng lane ang nadadaanan at kung hindi mo kabisado ang lugar, malamang na madidisgrasya ka. Itanong n’yo pa kay Bong Arreza.

Walang ideya ang mga tao kung para saan ang istraktura dahil hanggang ngayon ay wala pang sinasabi ang MMDA kung para saan ito gagamitin. Hindi kaya garden ni BF?

Napakaraming pautot ni Bayani sa kalsada at marami na ang nadidisgrasya sa mga gimik niyang ito. Hindi pagtatayo ng istraktura sa gitna ng kalsada ang sagot sa maayos na daloy ng trapiko kundi ang seryosong pagdisiplina sa mga motorista lalo na ang mga bus at PUJ driver.

Teka, alam kaya ni Mang Bayani na ang mga istrakturang itinayo niya sa kahabaan ng EDSA para raw hihimpilan ng mga bus ay hindi ginagamit ng mga bus driver dahil sa agawan sa pasahero. Sinasayang n’yo lang ang buwis namin!

 

 

Microsoft Internet Explorer 7