Bigyang-pansin mo ang hayagang pagbabasa ng kasulatan, ang pangangaral at ang pagtuturo. -- Timoteo 4:13
Pinagpala tayo ng maraming bersyon ng salin ng Biblia. Kaya mahirap isipin na sa loob ng mahigit na 350 taon, iisang bersyon lang ang pinakaginagamit ng mga taong nagsasalita ng Ingles. Ngayon, may mga taong umaatras na sa paggamit ng King James (thee, thous, at verilys).
gunit napakagandang pakinggan ang pagbasa ng bersyong ito, lalo na ang mga pamilyar na bahagi tulad ng Awit 23.
Sa aklat niyang God’s Secretaries (Mga Kalihim ng Diyos), isinulat ni Adam Nicolson na ang mga tagasalin ng King James ay sensitibo sa mga tunog ng salita.
Sinabi niya na 12 na lalaki ang nakaupo sa isang silid habang pinakikinggan ang malakas na pagbasa ng mga talata ng King James. Para sa kanila, ang dahilan kung bakit katanggap-tanggap ang talata ng King James ay ‘di lang dahil sa katapatan nito sa orihinal na salita, kundi sa ganda rin ng indayog ng tunog ‘pag binabasa nang malakas.
Nauunawaan ni Apostol Pablo ang kapangyarihan ng Salitang naririnig. Utos niya sa batang pastor na si Timoteo tungkol sa pagtuturo ng Salita, “Hanggang sa dumating ako, bigyang-pansin mo ang hayagang pagbabasa ng Kasulatan, ang pangangaral, at ang pagtuturo” (1 Timoteo 4:13).
Inaantig ang puso ng mananampalataya ‘pag naririnig ang Salita ng Diyos. Kaya anumang bersyon ang binabasa mo sa quiet time, sa pampamilyang debosyon o sa paglilingkod sa iglesia, alalahanin ang kapangyarihan ng Salitang malakas na binabasa. Gamitin anumang pagkakataong mabasa ito nang malakas. -- Dennis Fisher
Magkapanahon lagi sa araw-araw
Basahin Salita ng Diyos at manalangin
At pakinggan ang Kanyang maaaring sabihin
Upang magabayan tayo sa ating mga lakaran. -- Sper
|