MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Lozada bumisita sa PNU
(Juliet de Loza)
 

Mainit din ang pagsalubong na tinanggap kahapon ni National Broadband Network (NBN) witness Rodolfo Lozada Jr. sa pagdalo nito sa isang misa kahapon ng umaga sa Philippine Normal University (PNU).

Pasado alas-11:00 ng umaga nang dumating sa PNU si Lozada kung saan sinalubong ito ni PNU president Lugardo Barbo.

Bagama’t walang kontrobersyang naganap sa pagdating ni Lozada sa PNU, bantay-sarado naman ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang buong unibersidad.

Tulad ng kanyang sinabi sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), nagpahayag ng kanyang kasiyahan si Lozarda sa suporta na ibinibigay sa kanya ng mga estudyante.

Sinabi rin ni Lozada na dapat na pangatawanan ng mga estudyante ang kanilang ginagawang paghahanap sa katotohanan.

 

Microsoft Internet Explorer 7