MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Kill plot vs Gloria pinadedetalye sa PNP
(Boyet Jadulco)
 

Pinagdudahan ng dalawang miyembro ng Senado ang pagbubunyag ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa na nahuli na nila ang isang pinaghihinalaang dayuhang terorista na may kinalaman umano sa assassination plot kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, chairman ng Senate committee on national defense and security, kung totoong may tangka sa buhay ng Pangulo at may nahuli nang suspek ay kailangang ipaliwanag nila sa publiko ang detalye nito.

Aniya, hindi maaalis sa kanilang isipan na magduda dahil nataon ito sa isinagawang interfaith rally sa Makati City noong Biyernes kung saan tinatayang 80,000 katao ang dumalo.

“Kung hindi nila ilalabas ang detalye, masisira na naman ang credibility nila,” babala ni Biazon.

Naniniwala pa si Biazon na baka gamitin pa ng PNP ang isyu ng pagkakahuli sa umano’y assassin ni Arroyo kung kaya’t nagsagawa sila ng paghihigpit sa mga entry point sa Metro Manila noong Biyernes.

“Mukhang patungo na sila doon para magkaroon ng dahilan ‘yung pagtatayo ng checkpoints,” ani Biazon.

Idinagdag naman ni Senate majority leader Francis “Kiko” Pangilinan na parang sinadya ang pagbabalita ng PNP sa natiklong assassin umano ni Arroyo sa mismong araw ng interfaith rally upang maitulak ang masamang balakin nila.
“Para namang sinadya. Kaduda-duda lalo na’t naganap sa araw pa mismo ng pinakamalaking rally laban sa gobyerno,” dagdag pa niya.

Batay sa ulat, tumanggi si PNP Director General Avelino Razon Jr. na tukuyin ang pagkaka­kilanlan o kahit natio­nality ng suspek habang isinasailalim sa masusing interogasyon.

Nahuli umano ang suspek ng mga operatiba ng pulisya may tatlong araw pa lamang ang nakalilipas sa isinagawang follow-up operation kaugnay ng nakumpiskang dokumento hinggil sa assassination plot umano laban kay Arroyo.

 

Microsoft Internet Explorer 7