MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
3 PANG TESTIGO SUSUNOD KAY LOZADA
Nina Bernard Taguinod at Boyet Jadulco
 

Sa kabila ng iba’t ibang uri ng pagtatakip ng administrasyon sa eskandalong nilikha ng maanomalyang ZTE-National Broadband Network (NBN) contract, tatlo pang saksi ang nakatakdang iharap ng Senado para patotohanan ang naunang mga ikinanta ni starwitness Rodolfo ‘Jun’ Lozada.

Kapalit ng impormasyong ito, sinabi ng isang senador na ayaw pabanggit ng pangalan, na magugulantang ang taumbayan sa isisiwalat ng tatlong bagong testigong ito na hindi muna pinapangalanan.

“There will be more fireworks in the Senate regarding this issue. They will join Jun Lozada to ferret the truth,” pahayag ng senador sa panayam ng TONITE kahapon.
Naniniwala ang senador na mas malalim ang nalalaman ng mga bagong testigong ito sa naturang ZTE-NBN contract at malamang na mailalantad na ang tunay na kontratang nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Baoa, China noong Abril 27, 2007.

Samantala, hiniling kahapon ni Senate minority leader Aquilino Pimentel Jr. sa Senado na hilingin sa United States government ang extradition ng isang miyembro ng “Gang of Four” na responsable sa pagluto ng kickback sa naudlot na ZTE-NBN contract.

Ginawa ni Pimentel ang kahilingang ito matapos ibunyag ng surprise witness na si Dante Madriaga na lumipad na sa Estados Unidos si Ruben Reyes, diumano’y bagman ng grupo, noon pang Oktubre 2007 matapos simulan ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsisiyasat sa naturang kontrobersya.

“I think we can invoke our extradition treaty with the US for those people who are seeking haven from our investigation in the US,” paliwanag ng senador.
Sa testimonya ni Madriaga sa Senado, ibinunyag nito na umabot sa $41 milyon ang naging advances ng grupo. Ang unang $1 milyon ay naibigay noong Agosto 2006 bilang representation expenses, $10 milyon naman noong Marso 2007 bilang “success fee” at karagdagang $30 milyon naman noong Abril 2007 bilang panggastos umano sa eleksyon ng administrasyon.

Subalit ang huling advances na $30 milyon ay idineposito lang umano sa bangko sa Hong Kong bago nailipat sa bangko sa Cayman Islands.

Binigyang-diin pa ni Pimentel na hindi dapat nagsasayang ng oras ang komite ni Sen. Alan Peter Cayetano sa paghahain ng extradition request sa US na kinakailangang ipadaan sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice upang maibalik sa bansa si Reyes.

“I would suggest very strongly to the committee to start the process so that we can invoke that extradition treaty because I know that the Americans are very, very strict regarding those engaged in money laundering and corruption,” paliwanag pa ni Pimentel.

Bukod kay Reyes, ang iba pang miyembro ng tinaguriang Gang of Four na sina dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, retired Gen. Quirino “Torch” dela Torre at Leo San Miguel, dating may-ari ng Home Cable at ngayon ay consultant na umano sa Philippine Long Distance Telephone Co. at operating officer ng Cablelink sa Southern Metro Manila area.

 

Microsoft Internet Explorer 7