Kung si JayR Siaboc ay buong ninging na umamin na natikman siya ng bading sa probinsiya nu’ng bagets pa siya, ang batchmate ni JayR sa Pinoy Dream Academy na si Geoffrey Taylor ay sumusumpang wala pa siyang gay experience.
“God knows, wala po akong gay experience! Hindi ko po gagamitin ang name ni God kung nagsisinungaling ako!” mariing dayalog sa amin ng 21-anyos na si Geoff sa mini-presscon para sa provincial show niyang Feel-Ah! (na gaganapin sa Pila, Laguna Covered Court sa Marso 14).
Sa Olongapo pinanganak ang Fil-Am boy na si Geoff at sa Cagayan Valley sa Norte siya lumaki kaya meron siyang puntong Ilokano. 14-anyos siya nang pumunta ng Maynila.
Naranasan daw niyang maligawan ng mga bading nu’ng bagets pa siya, tulad ng isang teacher niya nu’ng high school na nireregaluhan siya ng scooter pero tinanggihan niya.
Marami raw siyang kaibigang bading at mahilig siyang sumali sa mga bikini contest (tulad ng 2006 Mossimo Bikini Grand Prix), pero wala raw siyang aaminin dahil wala pang bading na nakatikim sa kanya.
Ang inamin sa amin ni Geoff ay ang pagiging ‘well-endowed’ niya. Proud daw siya sa pagiging isang Fil-Am dahil meron siyang ‘ipagmamalaki.’
Kuwento niya, halos lahat ng naging nobya niya (naka-7 girlfriends siya) na nadyug niya ay umiiyak dahil sa ‘American-size’ siya.
Tinanong namin siya kung kaya niyang tapatan o higitan ang 7 or 8-inch ‘wang’ ng kapwa niya Fil-Am na si Billy Crawford.
Tatawa-tawang sumagot ng “Oo!” si Geoff.
Type na type niya sa showbiz girls sina Michelle Madrigal at Marian Rivera.
|