MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
DZRH, mapapanood na sa telebisyon
 
 

Mapapanood na sa telebisyon ang DZRH. Matutunghayan sa Radyo Vision ng Channel 67 (Sky Cable at Home Cable) ang mga programa ng DZRH, partikular ang mga ulat ng balita at talakayan.

Ang Radyo Vision ay hatid ng Manila Broadcasting Company at ng Infocom, sa pamamagitan ng kanilang CubeiTV.

4:30-10:00 AM at 2:00-6:00 PM, nasa Rad­yo Vision ang mga prog­ramang Balitang Ba­yan Numero Uno, Espes­yal na Balita, Damdaming Bayan at iba pa -- ma­ging mga taga-ulat na sina Joe Taruc, Deo Macalma, Milky Rigonan, Manny Bal, Jenny Simon at Tita Swarding.

Abot din ng SMS o text messaging ang mga announcer, kaya’t agad silang makatatanggap ng komentaryo mula sa mga nakikinig.

Ang Radyo Vision ay isang hakbang sa patuloy na paninilbihan ng DZRH sa madla, bagay na kanilang pinanguna­han mula nang itatag ang istasyon noong 1939.

***

Mainit ang All Star ‘K’ The P1,000,000 Vi­deoke Challenge mamayang gabi sa GMA 7.

Kaugnay sa Fire Prevention Month, magkakatungali rito ang mga bombero at bombero na sina Gardo Versoza & Karla Estrada, Daniel Fernando & Maita Soriano, Anton Bernardo & Barbara Milano, Coco Martin & Julia Lopez, Marcus Madrigal & Alma Soriano, Gerald Madrid & Michaela Monteverde, at Paolo Rivero & Kuhdet Honasan.

Ang K!Llers ay sina Ara Mina & Cristine Reyes.

***

Si James Radd Amado ay isa sa mga baguhang aktor na alaga ni Jojo Veloso.
Third year marketing student sa Letran College si James. Nakapagtapos siya ng Culinary Arts sa Heny Sison Culinary School.

“Hilig ko ang magluto, pero baking and pastries ang concentration ko,” sabi niya.
Taga-San Mateo, Rizal ang 21-anyos na bagong aktor na ang unang pa­ngarap ay makapagpatayo ng restaurant.

“Kung sisikat ako sa sa showbiz, ipagpapatuloy ko pa rin ang dream kong magkaroon ng sa­riling restaurant pero gusto ko pa ring magtagal sa pag-aartista,” sabi ni James, na nakalabas na sa Lastikman, Magpakailanman, Joaquin Bordado at ESP.

Produkto ng broken home si James. Onse-anyos siya nang mamatay ang kanyang ama, si Virgilio Amado. May kapatid na babae siya sa kanyang ama. May tatlong kapatid siya sa panig ng kanyang ina.

“Baby pa lang ako, hindi ko na nakasama ang nanay ko,” pagtatapat niya.
Mahusay kumanta at magsayaw ni James. Home ni Bryan McKnight ang paborito niyang kanta.

“Gusto ko talagang magpursigi sa pangarap kong mag-artista. Naka-focus ako rito kaya wala muna akong girlfriend ngayon.”

***

Sa pagtatanghal ng Reporter’s Notebook sa Martes nang hating-gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA 7, hihimayin nina Chino Trinidad at Lala Roque kung bakit hanggang ngayo’y mailap pa rin sa ating bansa ang gintong medalya mula sa Olympics.

Sa nakaraang 24th Southeast Asian Games (SEAG) sa Thailand, naitala ng Pilipinas ang pinakamababang ranking nito sa kasaysayan ng SEA Games -- pang-anim sa 11 bansang lumahok sa kompetisyon.

Ngayon, puspusan ang paghahanda ng mga Pilipinong atleta para sa Olympic Games sa China.

Taong 1930 nang magsimulang sumali ang Pilipinas sa Olympics. Hanggang ngayon, wala pa ni isang gintong naiuuwi ang mga atletang Pinoy.

Mabibilang din sa daliri ang mga medalyang silver at bronze na napanalunan ng ating bansa.

 

Microsoft Internet Explorer 7