MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Aktres, masaya sa piling ng tomboy
ni: Rey Pumaloy
 

Naka-book ang isang sexy newcomer (galing sa isang reality-based ta­lent search) sa Cebu para sa isang personal appearance at singing engagement. Isang kaibigan niya ang nagbigay sa kanya ng raket.

Naloka ang kaibigan niya dahil hindi sumipot si sexy newcomer sa Cebu, kahit nabigyan na ito ng down payment.

Nalaman ni booking agent na kaya hindi nagpunta ng Cebu si sexy newcomer ay dahil sa Dagupan ito dumiretso para sa ibang singing engagement.
Isang manager ang nag-book sa kanya para rito.

Mas malaki ang ta­tanggaping talent fee ni sexy newcomer sa Dagupan (P40,000) kaysa sa Cebu (P20,000).

Kuntodo bihis ng todo si sexy newcomer bitbit ang kanyang mga minus one at kasama pa ang kanyang boyfriend na mukhang foreigner.

Ang advice ni talent manager, 50 tao lang ang manonood kay sexy newcomer sa isang party.

Pagdating ni sexy new­comer sa venue, tumambad sa kanyang paningin ang isang private resort.

Mayamaya, sumulpot ang talent manager at sinalubong siya nito.
Nagulat si manager nang makitang kasama ni sexy newcomer ang kanyang boyfriend.

Wala sa usapan nilang isasama nito ang kasintahan.
Sey ni sexy newco­mer, kailangan niya ng kasama dahil malayo ang lugar at hindi ito papayag na mag-isa lang siyang magbiyahe.

Nagparamdam si ma­nager na ayaw niyang may kasama si sexy newcomer.
Naiimbiyerna si sexy newcomer sa kakulitan ni manager at naramdaman na rin ito ng boyfriend niya.

Desididong iligwak ni manager ang boyfriend ni sexy newcomer kaya sinabi niyang may booking siya sa isang Amerikano na willing magba­yad sa kanya ng malaki.

Nagalit si sexy newcomer sa nalaman, pati ang kanyang boyfriend, kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nasa akto ng argumento ang manager, si newcomer at ang boyfriend nito nang sumulpot ang Amerikano.

Nagtaka ito sa nakikitang kaguluhan kaya nagtanong ito sa manager.
Naimbiyerna si Ame­rikano no’ng malaman niyang ayaw puma­yag ni sexy newcomer na magpagalaw sa kanya.

Paano nga naman, mula sa Amerika, pumunta pa siya sa Pilipinas para makilala at matikman si sexy newcomer.

Nakita niya ang hubad na larawan nito sa isang intenet site kaya nagkainteres siyang makita nang personal ang newcomer.

Pumunta si Amerikano sa Pilipinas para hanapin si sexy newcomer.
Nang mabigyan siya ng pagkakataon, hindi siya papayag na hindi niya makuha ang gusto niya kahit magbayad siya ng P750,000.

Tumindi ang pagta­talu-talo ng boyfriend, manager at Amerikano.
Nagkabugbugan sila.

Buti na lang at may mga staff pa sa resort na umawat sa kanila.
Hindi na pinaabot pa sa presinto ang nangyari. Nagdesisyon na lang na umalis ang sexy newcomer at ang kanyang boyfriend.

Ewan kung naibalik ni manager sa Amerikano ang down payment.
Nag-sorry si sexy newcomer sa nag-book sa kanya para sa isang show sa Cebu City.

***

Sa dami ng lalaking nakarelasyon ng isang drama actress, sa isang tomboy lang pala niya matatagpuan ang tunay na kaligayahang dulot ng pag-ibig.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanilang anniversary ang drama actress at ang syota niyang tibo.

Ang selebrasyon ay hindi lang para sa kanilang relasyon kundi pati na rin sa kanilang friendship.

Maluha-luha sa kaligayahan ang aktres sa regalo sa kanya ng tomboy.
Ililipat na sa pangalan ni aktres ang lupa’t bahay ng syota niyang tomboy.

Sa tanang buhay ni aktres, never pa siyang naka-enkuwentro na nagbigay sa kanya ng ganitong pagpapahalaga.

Usually, siya ang madalas magbigay hanggang sa umabot sa puntong mistula na siyang bakla sa nagiging boyfriend.

Mayaman si tomboy. Kahit hindi magtrabaho si aktres at ang tomboy, mabubuhay sila nang marangya hanggang sa sila’y mamatay.

Kaso, hindi tanggap ng pamilya ni tomboy si aktres.
Tanggap ng pamilya ni tomboy ang kasarian niya pero hindi ang pagpatol nito sa aktres.

Ang pagiging showbiz kasi ni aktres ang rason. Takot sa eskandalo ang pamilya ni tomboy.

Desidido si tomboy na ibigay ang bahay kay aktres. Kahit tutol ang pamilya niya, walang makapigil sa kanya.

Mabait at may kunsensya si aktres. Tinanggihan niya ang regalo ni tomboy, pero hindi ito pumayag na ibalik dito ang property.

Sey ni tomboy kay aktres, hindi siya tunay nitong mahal kung tatanggihan nito ang regalo niya.

Isa pang rason kaya napamahal na kay aktres si tomboy ay dahil ne­ver silang nag-sex at hindi nabawasan ang pagtingin sa kanya ng huli.
Platonic love na may friendship ang kanilang relasyon.

 

Microsoft Internet Explorer 7