MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Juliana, napaiyak sa ginaw
ni: Jojo Gabinete
 

Caught in the act ang aktor at aktres na consistent sa pagsasabi na hanggang sa pagiging mabu­ting magkaibigan lamang ang kanilang relasyon.

Caught in the act ang dalawa habang naghahalikan sa isang medical clinic na pinuntahan nila.

Nagulat ang naka­kita sa kanilang paghaha­likan. Ang witness pa ang nahiya sa sarili dahil sa eksenang nasaksihan.

Sa sobrang gulat, iki­nu­wento ng saksi sa mga kaibigan niya ang kissing scene ng aktor at aktres na iba ang ginagawa sa kanilang mga sinasabi.

***

Buo na ang desisyon ng isang TV host na sampahan ng kaso ang mga taong naninira sa kanya.

Iniipon na ng pinsan niyang abogado ang mga ebidensya ng paninira ng mga tao na mga showbiz personality na rin.

Pinaaabangan ng TV host sa kanyang mga kaibigan ang demanda na isasampa niya sa korte na lalong magbibigay ng ingay at kulay sa magulong mundo ng show business.

***

Si Snooky Serna ang pinakamaagang dumating sa presscon ng sine­nobelang Kaputol ng Isang Awit.

Nauna pa si Snooky sa mga inimbitahan na entertainment press.
Gustong patunayan ni Snooky sa lahat na nagbago na siya. Na pinahaha­lagahan niya ang mala­king pagkakataon na ibini­gay sa kanya ng GMA 7.

Wala nang nariri­nig na reklamo laban kay Snooky na naging professional sa taping ng La Vendetta kaya isinama siya sa cast ng Kaputol ng Isang Awit.

***

Dalawang araw na kinunan sa Los Baños, Laguna ang ‘Manananggal’ episode ng Incredible Tales, isang popular horror TV show sa Singapore.

Si VJ Utt ang host ng Incredible Tales.
Si Jun Lana ang sumulat ng script at nagdirek ng ‘Manananggal.’

Nagbantay sa taping ang Singaporean producer. Ipinagamit din nila ang kamera na nagkakahalaga ng P5M na dinala pa mula sa Singapore.
Mga bida sa ‘Mananaggal’ sina Juliana Palermo, Say Alonzo, Frank Garcia at Lance Raymundo.

Ikinuwento sa amin ni Juliana na napaiyak siya sa huling araw ng ta­ping dahil isinabit siya sa iba­baw ng kotse habang umuulan.

Ginaw na ginaw raw siya dahil 7:00 AM nang kunan ang eksena kaya pagkatapos ng take, napaluha siya sa sobrang lamig.

Mga horror story mula sa iba’t ibang bansa (Thailand, Malaysia, Indonesia at Australia ) ang ipinalalabas sa Incredible Tales.
First time na nagkaroon ng horror story mula sa Pilipinas.

***

Hindi nabigyan ng importansya sa DVD ng Pinoy Kamasutra 2 ang mga aktor na nakapareha ni Myles Hernandez.

Wala sa billing ang mga pangalan ng Men of Provoq na sina Harry Laurel, Niko Arellano, Anthony Logan at Chester Nolledo, at isa pang baguhang lalaki, sa soft-porn movie.

Maiinit ang mga eksena sa Pinoy Kamasutra 2.
Bob Roque ang nakalagay na pangalan ng direktor pero may nakapagsabi sa amin na isa siyang babae.

No wonder, masidhi ang love scene sa bath tub nina Myles at Sachie Sanders dahil babae pala ang nag-execute ng eksena.

***

May nagtanong ng aming reaksyon tungkol sa last year issue na pagpapakasal nina Nora Aunor at Norie Sayo noong Mayo 2000 sa Las Vegas, Nevada.
Ano raw ang masasabi namin sa tahasang denial ni Norie? Ang aming masasabi? Wala!

Kahit anong pilit at paglalabas ng ebidensya ang gawin, wala ta­yong magagawa kung mismong ang mga tao na sangkot sa isyu ang ayaw umamin.
Ang importante, alam nila sa sarili ang buong katotohanan.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

 

Microsoft Internet Explorer 7