MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Hotbabe, natawa sa lampungan
ni: Allan Diones
 

Isang martir na ate na palaban sa buhay ang papel ni Ara Mina sa pelikulang Ate na pinrodyus niya at pinagbibidahan nila ng kapatid niyang si Cristine Reyes.
Sa totoong buhay ay isa ba siyang martir na ate?

“Obvious ba?!” balik tanong sa amin ni Ara, sabay tawa.
Sa pelikula ay pinagsaluhan nila ni Cristine ang pagmamahal ng isang lalake (Paolo Paraiso). Sa totoong buhay ba ay kaya niyang magparaya alang-alang sa kanyang kapatid?

“Posible ‘yon. Keri ko ‘yon. Vocal naman si Cristine, eh. Kung ano ‘yung pagmamahal ko sa boyfriend ko, pantay ang pagmamahal ko sa kapatid ko,” pakli ng aktres.

Ayon kay Ara, sa totoong buhay ay malayong maging magkaagaw sila ni Cristine dahil magkaiba ang tipo nila ng lalake.

Si Cristine ay nalilinya sa guys na mas matanda sa kanya (tulad nina Janno Gibbs at Dennis Trillo) samantalang siya ay nali-link sa mas bata sa kanya (gaya nina Jomari Yllana at Polo Ravales).

Paano kung mas mapansin si Cristine sa mo­vie kesa kanya? Hindi ba siya nakakaramdam ng insecurity ‘pag may nagsa­sabing mas ‘hot’ ngayon si Cristine dahil mas sariwa ito, mas bata at mas sexy kesa sa kanya?

“Gusto ko ngang mapansin siya, eh! Aminado ako na mas bata siya, mas sexy siya, sabihin na na­ting mas maganda rin siya sa akin. Pero kumbaga, iba-iba ang type ng guys, eh!

“Ako kasi, ang pagka-sexy ko, bilugan. Siya, seksing slim. May mga lalakeng type nila ang bilugan. So, wala akong dapat ikainsekyur. At saka sa ibang artista nga, never akong nainsekyur, sa kapatid ko pa?”

Ang pagmamahal na ‘yon ni Ara sa kanyang kapatid ang dahilan kaya niya naisipang magprodyus ng pelikula para sa kanila ni Cristine.

Naniniwala siyang may talent sa pag-arte ang sister niya at hindi lang pagpapa-sexy ang alam gawin.

Parang hindi na raw sila umarteng dalawa sa pelikula dahil halos ganundin sila in real life.

Si Dennis Trillo ang original choice para sa role ni Paolo Paraiso pero hindi pumuwede si Dennis. Open-minded si Ara pagdating sa balitang pakikipagrelasyon ni Cristine kay Dennis.  

“Siyempre, puso ‘yan. Sinabi ko before na boto ako kay Dennis, pero hindi natin maiiwasan na may nangyari.

“Open-minded ako sa ganyang bagay, kasi nagmahal din ako before ng lalake na may anak na (Jomari). So, ‘pag puso ang pinag-uusapan, kahit bato pa ‘yan, kahit sino pang Poncio Pilato ang humarang sa ‘yo, mahal mo pa rin,” dayalog ni Ara.
Sa Miyerkules (Marso 5) na ang showing ng Ate exclusively at SM Cinemas.

***

Natawa ang Viva Hotbabe na si Myles Hernandez habang kinukunan ang isang erotic love scene para sa videoflick na Pinoy Kamasutra 2 ng Viva Video.
Seryoso raw dapat ang eksena pero tawa siya nang tawa before the take dahil ang drama niya ay idu-dog style siya ni Niko Arellano (isa sa Men of Provoq) habang nasa lababo siya at naghuhugas ng pinggan.

Akala niya ay nagbibiro lang ang direktor (‘Bob Roque’), ‘yun pala ay ganu’n nga ang gagawin nila.

Ang siste pa ay hindi siya titigil sa paghugas ng mga pinggan habang kumakayug-kayog ang katawan niya dahil tinitira siya nang patalikod ng partner niyang guy.

Hindi pa raw nasubukang gawin ‘yon ni Myles sa totoong buhay kaya panay ang tawa niya. Sanay raw siyang makipag-lovemaking sa kama o sa bath tub, pero hindi sa may lababo at may hawak na plato.   

Naranasan din ng 23-anyos na sexy star ang mag-‘helicopter’ sa ibabaw ng katawan ng Men of Provoq member na si Harry Laurel.

Ka-threesome nila ang VHB member na si Sachie Sanders sa mainit na tagpong ‘yon na parang helicopter na nagpaikut-ikot si Myles habang nakakubabaw kay Harry.

Required daw silang hindi mag-plaster sa eksenang ‘yon kaya ingat na ingat sila ni Sachie na huwag mag-hello ang mga ‘flower’ nila.

Si Harry ay may plaster ang harapan dahil any moment ay baka um-enter ang hindi dapat um-enter.

Feel na feel daw ni Harry ang pakikipaglampungan nito sa dalawang Hot Babe at naramdaman nilang nag-enjoy ito nang husto sa nasabing eksena.

Si Katya Santos ang bida sa naunang Pinoy Kamasutra video. Mabibili na ang DVD at VCD ng Pinoy Kamasutra 2 sa mga video stores nationwide.

 

Microsoft Internet Explorer 7