MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Naghahanap ng trabaho, kawatan pala
(Irwin Corpuz)
 

Hindi sukat akalain ng isang ginang na empleyada ng isang travel agency na magnanakaw pala ang isang lalaking nagtanong ng proseso kung paano makapagtatrabaho sa Canada matapos salikwatin ang kanyang pera at digital camera sa kanilang tanggapan sa Quezon City kahapon.

Dumulog sa Kamias Police Station ang nabiktimang si Elaine Tenorio, 32, residente ng Simprosa St., Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City at empleyada ng JDY Travel Agency na may tanggapan sa Doña Apolonia Building sa 33 Kamias Road, Bgy. Pinyahan, ng nasabing lungsod.

Dakong alas-10:30 umano kahapon ng umaga nang dumating ang isang lalaki at pumasok sa kanilang opisina. Nag-usisa umano ang naturang lalaki sa mga kailangan para makapagtrabaho sa Canada.

Makalipas ang ilang saglit pansamantalang lumabas umano ang biktima sa kanilang opisina dahil may tiningnan lang siya. Pero bumalik din sa kanilang tanggapan si Teonorio makalipas ang ilang saglit.

Eksaktong papasok umano si Tenorio sa kanilang opisina nang papalabas naman ang hindi nakilalang suspek at nagpaalam pa ito sa kanya na aalis na.
Pagbalik ng biktima sa kanyang lamesa nagtaka ito dahil wala na sa ibabaw ang kanyang bag. Hinanap ng biktima ang naturang bag at natagpuan niya ito sa loob ng kanilang banyo subalit nang buksan ay nawawala na ang kanyang Kodak digital camera at pera na nagkakahalaga ng P5,000.

Hindi na nahabol pa ang suspek kaya dumulog na lamang sa himpilan ng pulisya ang biktima para isumbong ang kanyang sinapit.

 

Microsoft Internet Explorer 7