MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Bahay nilimas ng atsay
(Aries Cano)
 

Sakit ng ulo ang suma­lubong sa pag-uwi ng isang project manager na isa ring barangay kagawad sa kanilang lugar na dumalo sa isang seminar sa Aklan dahil hindi lamang umano tumambad ang mga naipong tumambak na gawaing bahay kundi nawawala na rin ang katulong nito gayundin ang mahigit P100,000 halaga ng mga electronic gadget at alahas sa loob ng kanyang pamamahay sa Maynila.

Batay sa pagsisiyasat ni PO2 Donato Obiena ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, nakilala ang biktima na si Arnold M. Reyno, 40-anyos, may-asawa, residente ng 844 Mindoro St., Sampaloc, Maynila.

Kabilang sa mga nawala kay Reyno ang isang laptop, isang video camera, gayundin ang mga sari-saring alahas na umaabot sa P140,000 ang kabuuang halaga.

Nang hagilapin ng biktima ang kanyang katulong na si Josephine Salinga, nasa hustong gulang at tubong Maasin, Southern, Leyte ay hindi na rin umano ito nakita pa.

 

Microsoft Internet Explorer 7