MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 

Bagets na snatcher, isa pa nasakote

(Aries Cano)
 

Dalawang isnatser kabilang ang isang menor-de-edad ang nadakip sa magkahiwalay na insidente sa Maynila kahapon.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 2, dakong alas-singko kahapon ng hapon nang agawin ng isang 15-anyos na binatilyong out-of-school youth na sadyang hindi na pinangalanan, ang pares ng gintong hikaw na suot ng dalagang negosyante na si Annaliza Lachica, 28-anyos.

Nakasakay umano ang dalaga sa isang pampasadang dyip na pansamantalang huminto sa Claro M. Recto Avenue at kanto ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo kaya nakakuha ng tiyempo ang suspek at hinablot ang hikaw na nagkakahalaga ng P3,500.

Nagsisigaw na humingi ng saklolo ang biktima at sa tulong ng mga bystanders ay nasukol din ang suspek at nabawi ang inagaw na hikaw.

Samantala, bandang alas-6:30 kagabi nang ta­ngayin ng isa pang nasakoteng suspek na si William B. Dela Cruz, 26-anyos, binata, walang trabaho ng 3165 Int.2, Pilar St., Tondo, Maynila ang bag na bitbit ng biktimang bookkeeper si Leticia B. Cordova, 47-anyos, sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo.

Kabilang umano sa laman ng bag ang pe­rang nagkakahalaga ng P8,000, celfone at sari-saring mahahalagang dokumento. Nagkataon naman na nagpapatrulya sa hindi kalayuan si PO1 Edgardo Lacson ng MPD-Station 7 kaya kagyat din na nasakote si Dela Cruz.

 

Microsoft Internet Explorer 7