MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
BALITANG PROMDI
 
 
Magkaangkas sa motorsiklo, niratrat
(Romeo Braceros)
 

DAVAO CITY --- Duguang tumimbuwang ang dalawang magkaangkas sa isang motorsiklo matapos ratratin sa Barangay Poblacion, Datu Piang, Maguindanao province.

Kinilala ng Datu Piang Police ang mga biktima na sina Ibrahim Dimaling, 39 at Razid Timpar, 34 na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek bandang alas-6:40 ng gabi noong Pebrero 29.

Sa ulat ng pulisya, pauwi na ang mga biktima sa nasabing lugar nang tambangan sila ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan.

Namatay noon din sa pinangyarihan ang dalawa habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naganap na pamamaslang.

 

Microsoft Internet Explorer 7