Maagang napariwara ang kinabukasan ng isang 12-anyos na dalagita makaraang pagsamantalahan ng kapitbahay nang umano’y utusan ng inang bumili lamang ng bigas sa tindahan sa Cadiz City, Negros Occidental.
Agad din namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Roberto Mapiit, 26-anyos, residente ng Sitio Tabunok, Bgy. Tiglawiugan, sa nabanggit na siyudad.
Base sa ulat kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente kamakalawa ng hapon nang magtungo ang biktimang itinago sa pangalan Jennylyn para bumili ng bigas sa kalapit na tindahan.
Gayunpaman, hindi na umano nakabalik ang bata kung saan mismong mga alagad ng batas ang nakahuli sa aktong minomolestiya ng suspek ang una.
Diumano, orihinal pang binalak ng suspek na halayin ang biktima sa gitna ng tubuhan.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang laban sa detenidong suspek sa Cadiz City PNP.
|