MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
BALITANG PROMDI
 
 
Ni-rape slay na paslit natagpuan sa plantasyon
(Richard Buenaventura)
 

BAGUIO CITY --- Kalunus-lunos ang sinapit ng isang apat na taong gulang na batang babae matapos na matagpuan ang bangkay nito sa isang hukay sa may sayote plantation sa bayan ng Kibungan lalawigan ng Benguet.

Ayon kay P/Ins. Reno Daciego, Regional Director ng PNP Crime Laboratory, natagpuan nila ang naagnas nang katawan ng bata na malapit din sa bahay ng biktima na hindi muna inilahad ang pagkakakilanlan ng mga awtoridad.

Sinabi pa ng opisyal ng pulisya na noon pang Oktubre 25 nakaraang taon ini-report na nawawala ang bata at nang malaman ang pangyayari ay nanlumo ang pamilya sa sinapit ng biktima.

Sa medico-legal examination ng PNP crime lab., posible umanong ginahasa muna ang bata bago ito pinatay at inilibing dahil nakahiwalay ang kanyang mga damit.

Nauna dito, nakita ng lolo ng biktima ang tsinelas ng bata sa isang mababang hukay at nang kanyang usisain, nakita niya ang mga buto kaya agad niyang ini-report sa pulisya.

Samantala, tukoy na umano ng mga awtoridad ang mga suspek subalit hindi muna ibubunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

Microsoft Internet Explorer 7