GEN. TRIAS, CAVITE --- Halos lumawit ang dila sa higpit ng pagkakatali ng 40-anyos na binata sa loob ng bahay nito matapos magbigti dahil sa habag umano sa sarili makaraang hindi matuloy ang kasal noong nakaraang buwan.
Nakapulupot pa ang isang kumot at wala nang buhay nang datnan ni Gerardo Andaleon, may asawa, ang amaing si Joseph Balisaca, empleyado na nakabitin sa kisame ng bahay nito sa Barangay Pasong Camachile dakong alas 8:30 ng gabi noong Biyernes.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Inspector Pamela B. Helaga, chief ng CALABARZON PIO, bago ang insidente ay nagpadala umano ng text message kay Andaleon, taga-Manresa, Quezon City ang biktima at nakiusap na dalawin ito dahil nalulungkot.
Dahil malayo at gabi na, kinabukasan na nito pinuntahan at doon natuklasan ang pagpapakamatay nito kung saan sa binanggit sa kanyang suicide note na nahabag ito sa sarili nang hindi matuloy ang planong pagpapakasal kaya pinili umano nitong magpakamatay.
|