MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
BALITANG PROMDI
 
 
Police outpost nilimas
(Nilo Marasigan)
 

Sinalakay at pinagnakawan ng umano’y mga rebeldeng kawatan ang isang police outpost sa Sagay City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Batay sa report kahapon sa Camp Crame, pasado alas-sais ng gabi nang umatake ang may limang nagpakilalang mga NPA rebels sa nasabing police outpost sa may Bgy. Vito, Sagay City at mabilis na nadisarmahan ang mga noo’y naghahapunang militiamen.

Kasunod nito, agad umanong hinalughog ng mga communist terrorists ang istasyon ng pulisya kung saan tinangay ang dalawang M-14 armalite rifle at mga police uniforms.

Parang kidlat umanong nakaeskapo ang mga suspek na kumaripas at sumakay ng getaway pump boat.

Ilang buwan na ang nakalilipas, magugunitang ni-raid din ng mga nagpakilalang NPA rebels ang marine sanctuary outpost sa may Maca Reef, Bgy. Old Sagay, Sagay City.

 

Microsoft Internet Explorer 7