MARCH 2, 2008 -- SUNDAY
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
BALITANG PROMDI
 
 
BATALYON NG SUNDALO, INAMBUS; 3 PATAY, 7 PA SUGATAN
(Romeo Braceros Jr.)
 

DAVAO CITY --- Patay ang tatlong sundalo habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan matapos tambangan ng tinatayang 15-miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Catigan, Toril, Davao City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Toril Police pauwi na ang mga miyembro ng Army’s 66th Infantry Battalion Philippine Army na nagpapatrol sa lugar nang tambangan sila ng mga rebeldeng NPA.

Agad na namatay ang dalawang sundalo matapos mapuruhan habang ang isa pang sundalo ay nasawi habang ginagamot sa pinagdalhang ospital.

Kasalukuyan pang ginagamot sa malapit na ospital ang pitong sundalong nasugatan sa nangyaring pananambang.

Mabilis namang tumakas sa hindi na mabatid na direksiyon ang mga rebelde matapos ang isinagawang pamamaril.

Dahil sa insidente ay isang pursuit operation ang isinasagawa ng militar laban sa mga tumakas na mga rebelde.

 

Microsoft Internet Explorer 7