MARCH 01, 2011 TUESDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

MEGA LOTTO 6/45 DRAW
FEBRUARY 28, 2011

30-03-05-32-11-44
P14,912,442.00

4-DIGIT 7-6-8-5

11AM SUERTRES 4-2-7
4PM SUERTRES 5-9-5
9PM SUERTRES 0-6-8

EZ-2 11AM
12-12

EZ-2 4PM
28-12

EZ-2 9PM
07-11

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

41-14-51-29-54-32
P30,000,000.00

Exchange Rate
February 28, 2011
As of 2:06 pm
U. States 43.7100
Bahrain Dinar 115.919
Euro 60.1369
HK Dollar 5.60969
Japan Yen 0.535278
Saudi Riyal 11.6541
S’pore Dollar 34.3429
Taiwan Dollar 1.46826
UAE Dirham 11.9000
UK Pound 70.4215

Coco, lutang na lutang ang galing

ALLAN DIONES


ISA sa pinakamalaki at inaabangang teleserye ng ABS-CBN ang Minsan Lang Kita Iibigin kaya excited kaming dumalo sa special screening ng pilot week nito nu’ng Miyerkules nang gabi sa Podium Cinema 2.

Umpisa pa lang ay malaki na agad ang eksena, PMA graduation sa Baguio kung saan nagtapos bilang magna cum laude ang bidang si Alex­ander del Tierro (Coco Martin) kasama ng kanyang mga kababata na sina Gabrielle Marcelo (Andi Eigenmann) at Berto Matias (Martin del Rosario).

Kung sa Tayong Da­lawa (2009) at Kung Tayo’y Magkakalayo (2010) ay suporta lang si Coco, dito sa Minsan Lang Kita Iibigin ay siya na ang pinakabida.

Dual role siya rito. Si Coco rin ang gaganap bilang binatang rebelde na si Javier, na lumaki sa hirap sa kabundukan, ka­baligtaran ng mayaman at edukadong si Alexander.

Bigatin ang cast ng MLKI sa pangunguna ni Lorna Tolentino bilang ina ni Alexander na si Alondra del Tierro.

Walang amor si Alondra kay Alexander dahil hindi niya ito mapatawad sa pagkamatay ng isa niyang anak.

Si John Estrada ang gumaganap na asawa ni Alondra na si Col. Joaquin del Tierro.

Maagang naulila si Joaquin kaya kinupkop, pinalaki at pinag-aral ito sa militar ng ama ni Alondra na si Gen. Jaime Sebastiano (Ronaldo Valdez) na Vice Chief of Staff ng Armed Forces.

Ang ganda ng papel ni John bilang matapat at maprinsipyong sundalo, na tumatanaw ng mala­king utang na loob sa kanyang biyenan kaya hindi niya masuway ang kagustuhan nito.

Ang husay ni G. Ro­naldo Valdez at nakakatakot siya bilang istrikto at diktador na heneral na ang bawat sabihin ay batas na hindi maaaring mabali.

***

Very obvious ang ‘lisp’ sa pagsasalita ni Coco (na kakatwa ang pagbigkas sa mga sa­litang may letrang ‘S’), pero hindi maikakaila ang husay ng binata ‘pag umaakting na ito.

Ang lakas makaapek­to ng kanyang natural at makatotohanang pagganap kaya madali kang madadala sa kanyang mga eksena.

May lihim na gusto kay Alexander ang kababata niyang si Gabrielle, pero kapatid lang ang turing niya rito.

Ang matalik na kaibigan ni Alexander na si Berto ang may pagtingin sa astang-lalaki at lolo’s girl na si Gabrielle.

Bagay kay Andi ang role niyang female mi­litary officer dahil may pagkaastig siyang kumilos at natural na mababa ang boses niya.

Ang katambal ng re­bel counterpart ni Alexander na si Javier ay si Maja Salvador, na gumaganap bilang kapwa nito NPA na si Krista.

Nasaksihan ni Krista ang pagkamatay ng mga rebelde niyang magulang sanhi ng pag-atake ng puwersa ng militar.

Ang tulisan na si Javier ay pinalaki sa masukal na kagubatan ng kanyang ama-amahan na si Bernabe (Tonton Gutierrez), ang doktor sa kuta ng mga rebelde.

Asawa ni Bernabe si Rosa (Amy Austria-Ventura), isang edukadang babae na iniwan ang buhay sa siyudad para maging guro sa kampo ng mga bandido.

Wala pang matitin­ding eksena sa pilot week ang nagbabalik-teleserye na si Ms. Amy, pero alam mong mahalagang papel ang kanyang gagampanan.

***

Kung madrama at maaksyon ang Tayong Dalawa ay mas ni-level up ‘yon nina Direk Ruel Bayani at Direk Darnel Joy Villaflor dito sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Nariyan ang umaatikabong barilan, engkuwentro ng mga rebelde’t militar at meron ding ambush na may agaw-armas. Makapigil-hini­nga ‘yung cliffhanger na nagkatagpo at nag-face off ang animo’y pinagbiyak na bunga na sina Alexander at Javier.

Ambisyoso ang pro­duksyon, pero mga ganitong klase ng de-kalidad na teleserye na mala-pelikula ang forte ng ABS-CBN. Kasama rin sa powerhouse cast ng Minsan Lang Kita Ii­bigin si Ms. Boots Anson-Roa bilang rebeldeng lola-lola­han ni Javier.

Tinambakan ito ng special guest stars tulad nina Kim Chiu (bilang batang Lorna Tolentino), Erich Gonzales (batang Amy Austria), Albert Martinez (batang Ronaldo Valdez), Agot Isidro (batang Boots Anson-Roa) at Nash Aguas (batang Coco Martin). Sa Marso 7 magsisimula ang Minsan Lang Kita Iibigin sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION