June 28, 2008 - Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  May habol pa
Vladi Eduarte
 
May tsansa pa ang Purefoods Tender Juicy Giants na makahirit ng outright quarterfinals berth sa kasalukuyang 2007-08 SMART PBA Fiesta Conference nang ibaon ang Sta. Lucia Realty 104-89 sa second game sa Araneta Coliseum kagabi.
Sa ikalawang panalo ng Giants ngayong season-ending conference sa Realtors na tumalo sa kanila noong All-Filipino Conference finals, umakyat sa solo-seventh ang Purefoods sa 8-9 win-loss record.
Kaya lang, huling laro ng tropa ni coach Ryan Gregorio sa Hulyo 2 kontra nangungunang Air21 (11-6).
Bunga ng talo, tuluyan nang nagsara sa SLR ang pag-asang makakuha ng outright semis berth. Sa 7-9 baraha, nahatak pababa sa solo-ninth ang Realtors at may dalawang nalalabing laro na lang kontra Coca-Cola sa Hulyo 2 at Red Bull sa July 6.
Tumapos ng personal conference-high 24 points sa likod ng 8-of-13 field goal shooting si Peter June Simon para sa Purefoods na pinangunahan ng 25 points at 10 rebounds ni Reda Rhalimi. May 19 points at nine rebounds pa si James Yap.
Naka-double-double pa rin si Benson (10 points, 10 rebounds) sa kabila ng iniinda.
Sa unang game, sa likod ng magandang laro ng mga locals ni coach Tim Cone ay kinubabawan ng Alaska ang Coca-Cola 77-73 kaya nalaktawan ng Aces sa standings ang Tigers.
Ngayon ay hawak na ng Alaska ang 9-7 win-loss card at pinalitan sa solo-third ang Coca-Cola na nalaglag sa 9-8 upang makisosyo sa Magnolia sa 4th-5th spot.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES