Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
1:00 p.m. --- opening rites
2:00 p.m. --- San Beda vs Mapua
4:00 p.m. --- Jose Rizal U vs Letran
6:00 p.m. --- Perpetual vs San Sebastian
8:00 p.m. --- PCU vs College of St. Benilde
Pormal nang magbubukas ngayon ang 84th season ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) sa Big Dome at ito na rin ang pagkakataon para sa back-to-back defending champions na San Beda Red Lions kung bakit sila ang season favorite.
“I think it comes with the package when you get back-to-back championships, automatic isa ka sa mga contenders,” ani Red Lions mentor Frankie Lim, na agad isasalang ang team sa opening-game ng alas-dos ng hapon kontra season-host Mapua Cardinals.
Malakas pa rin ang ibabanderang lineup ni Lim sa presensiya nina 6-foot-8 Nigerian bigman Sam Ekwe, scorer Ogie Menor at veteran Pong Escobal.
“The good thing is intact pa rin ang lineup ko,” ani SBC sophomore mentor Frankie Lim. “We just have to play like a team to win games.”
Umaasa naman si Cardinals coach Leo Isaac na magagawa nilang makadagit kaagad ng opening upset sa pangunguna ni reigning MVP Kelvin Dela Pena.
“Compared to last year hindi ako gaanong nalalakasan sa team ko ngayon pero we had more time to prepare,” sambit ni Isaac, na idinagdag pa na maganda ang kanilang mabilisang atake ang magiging bentahe nila sa mas matatangkad na SBC squad.
Magkakaroon ng simpleng opening ceremonies ang season, na may temang “To the fore at 84: Building bridges to the future through sports”, sa ala-una kung saan magsisilbing guest speaker si Metro Manila Development Authority chairman Bayani Fernando at ang mga team ay kakatawanin ng mga cage legends na produkto ng bawat paaralan.
“We’ll try to play a good host for this season and try to see to it that the all the games will go on smoothly,” paniniguro ni NCAA president Reynaldo Vea ng Mapua.
Magtatagpo sa alas-kuwatro ang Jose Rizal U Heavy Bombers at ang 2007 runnerup Letran Knights kasunod ang tapatang University of Perpetual Help Altas at San Sebastian Stags sa alas-sais habang ang nagbabalik mula sa isang taong suspensyon na Philippine Christian University Dolphins ay makakatipan ang College of St. Benilde Blazers sa alas-otso ng gabi.
|