Sobra pa umano si Manny Pacquiao ng isang libra, isang araw bago ang official weigh-in. Pero ayon sa Pambansang Kamao, mas komportable siya sa kanyang timbang at walang dudang magaan niyang makukuha ang 135-lbs limit sa pagtuntong niya sa timbangan para sa “Lethal Combination” match kay David Diaz sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas.
Maging ang kanyang chief trainer na si Freddie Roach ay walang nakikitang problema sa gaganaping weigh-in ngayong araw.
Si Pacquiao ay umakyat sa timbang na lightweight o 135-lbs mula sa pagiging super-featherweight (130 pounds), matapos niyang talunin at agawan ng WBC belt si Juan Manuel Marquez noong Marso.
 |
Iniwas ni Nick Belasco ng Coca Cola Tigers ang bola mula sa tangkang pang-aagaw ni Alaska Aces import Randy Holcomb sa tagpong ito ng kanilang bakbakan kahapon sa Smart PBA Fiesta Conference sa Big Dome. (John Paulino) |
Ito ang kanyang unang salang bilang lightweight at ito rin ang huhusga kung kakayanin ba niya ang hamon ng mga katunggali sa naturang dibisyon.
Sa 12-round encounter na itinataguyod ng Top Rank at MP Promotions, tatangkain din ni Pacquiao na maging kauna-unahang Pinoy na maging kampeon sa naturang dibisyon. Hinahangad din ng Pambansang Kamao na maging unang Asyano na hahawak ng apat na korona sa magkakahiwalay na dibisyon.
Sa panig ni Diaz, kumpiyansa ang kampeon na madali itong papasa sa timbangan.
Dehado sa magaganap na bakbakan si Diaz, pero hindi niya ito alintana, dahil sanay na umano siya sa ganoong kalagayan, pero siya pa rin ang nagwawagi sa huli.
Kung may misyon si Pacquiao, gayundin si Diaz. Nais niyang tapusin ang paghahari ng Filipino lefty sa Amerika.
|