| TIMBANGAN NA! “Lethal Combination”: Pacquiao vs Diaz |
| Sobra pa umano si Manny Pacquiao ng isang libra, isang araw bago ang official weigh-in. Pero ayon sa Pambansang Kamao, mas komportable siya sa kanyang timbang at walang dudang magaan niyang makukuha ang 135-lbs limit sa pagtuntong niya sa timbangan para sa “Lethal Combination” match kay David Diaz sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas. |
| SAN BEDA VS MAPUA SA NCAA OPENING NGAYON |
| Pormal nang magbubukas ngayon ang 84th season ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) sa Big Dome at ito na rin ang pagkakataon para sa back-to-back defending champions na San Beda Red Lions kung bakit sila ang season favorite. |
| May habol pa |
| May tsansa pa ang Purefoods Tender Juicy Giants na makahirit ng outright quarterfinals berth sa kasalukuyang 2007-08 SMART PBA Fiesta Conference nang ibaon ang Sta. Lucia Realty 104-89 sa second game sa Araneta Coliseum kagabi. |
| Kampanya sa semis patitibayin |
| Patitibayin pa ng Cebu Dolphins, Batangas Bulls at Forward Taguig Patriots ang kani-kanilang mga kampanya para sa ikalawa at huling automatic semifinals berth sa pagpapatuloy ngayon ng naunsyaming aksyon sa Baseball Philippines Series 3 noong isang linggo sa Rizal Baseball Stadium. |
| QC bets dikit na sa Manila |
| Lumapit ang Quezon City sa kasalukuyang overall leader na Manila team nang makasalok sila ng tatlong ginto kahit pa nasungkit ni Gabriel Lorenzo Castelo ng Pasig City ang dalawa pang gold medals kahapon sa NCR Leg ng 3rd Philippine Olympic Festival sa Rizal Swimming Pool. |
| Laykdatan: Pacquiao titigil sa edad 30? |
| Nito lamang nakaraang Biyernes isang nakakakabang detalye tungkol kay Manny Pacquiao ang naikuwento ng isang matalik na kaibigan at kumpadre na si Atty. Adin Abillar sa Laykdatan. |





