June 28, 2008 - Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Mismatched kidneys
Roberto Zaide M.D.
 

Isinulat sa New England Journal of Medicine na kapag ang isang tao na nagbigay ng isang organ gaya ng bato, ay nagbigay din ng bone marrow sa tatanggap ng kanyang organ, ang pasyente ay maaaring hindi na kaila­ngang uminom ng marami at mahal na gamot habambuhay upang huwag ma-reject ang tinanggap niyang organ. Ang na-transplant na bone marrow ay gagawa ng mga immune cells ng resistensiya na hindi aatakihin ang na-transplant na organ maski na hindi magkatugma (genetically mismatch) ang naibigay na organ.
“Kami ay nahimok sa pangyayaring ito,” sabi ni David Sachs ng Massachusetts General Hospital Transplantation Biology Research Center. “Kaila­ngang pag-aralan pa ito sa mas maraming pas­yente, ngunit ito ang unang beses na sadyang ginawang mangyari ito.”
Unang nangyari ito noong 1998 sa isang babae na tumanggap ng isang bato at bone marrow ga­ling sa kanyang kapatid na babae. Sa ngayon ginawa nila ito sa limang pasyenteng tumanggap ng “genetically mismatched kidneys”. Sa apat na pasyente, nagtagumpay sila.
***
Balang-araw, ang mga lalake ay makakakuha na ng maraming adult stem cells galing sa kanilang ba­yag upang magamit sa paglaban sa sakit o magpatubo muli ng mga nasirang organ sa katawan. Ito ay nagawa na sa mga daga ng mga tagasaliksik sa Weill Cornell Medical College sa New York. Ang mga stem cells ay napatubo upang ma­ging cells sa puso, cells sa utak, at cells sa blood vessels. Kung itong paraan ay maaaring gawin din sa tao, hindi na kailangang kumuha pa ng embryonic stem cells na tinututulan ng marami lalo na ng simbahan. Itong mga cells na galing sa ba­yag ng daga na tinatawag na spermatogonal progenitor stem cells sa natural na paraan ay nagiging sperm ngunit sa eksperimento ng grupo na pinamumunuan ni Shahin Rafii ng Ho­ward Hughes Medical Institute, nagawa nila itong mga cells na maging stem cells na maaaring maging anumang organ sa katawan. May nagsasabi na maaari rin daw mangyari ito sa ovary ng mga babae.
***
Gusto ng US Food and Drug Administration na maglagay ng bagong babala sa mga pakete ng sildenafil (Viagra), Tadalafil (Cialis) at Vardenafil (Levitra) tungkol sa maaaring pagka­bingi o biglang problema sa pagdinig na nangyayari sa ilan sa mga umiinom nitong mga gamot para sa erectile dysfunction. Dahil sa ang mga tumatandang mga tao ay natural na nagkakaroon ng problema sa pagdinig, baka hindi maunawaan ng mga matandang lalake na gumagamit ng mga gamot na nabanggit na ang kanilang problema ay dahil sa gamot at hindi dahil sa edad nila. Kaunti lamang daw ang mga kasong ganito ngunit kapag napansin ninyo na bigla kayong nagkakaproblema sa pagdinig kapag umiinom ng mga gamot laban sa erectile dysfunction, tumigil muna kayong gumamit ng gamot at magpakonsulta sa doktor.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES