![]() Gigil na naghagis ng mga plastic bag na may lamang pulang pintura ang mga aktibistang ito nang sumugod sa isang gasoline station kahapon sa Makati. Iginigiit ng grupo ang pag-aksyon ng gobyerno para pigilan ang walang humpay na oil price hikes at ang pagsuspendi ng VAT sa produktong petrolyo. Muling nadagdagan ng P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina mula sa araw na ito. (AP photo) |
|
|||




