Lalo pang lumutang ang pagiging desperado ng isang presidentiable bilang tagapagmana sa trono ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos buhatin ang sariling bangko sa pamamagitan ng text brigade at ikumpara ang sarili sa mga posibleng kalaban nito.
Kasabay ang pagbabakasyon ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso, sinamantala ng presidentiable ang pagkakataon upang isahan ang mga posibleng katunggali sa 2010 national election, katulad ang paglunsad ng text brigade.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nagsagawa ng mas maagang pangangampanya ang presidentiable at siraan sa publiko ang mga posibleng katunggaling kandidato sa 2010 national election, sa pamamagitan ng pag-aangkin sa kredito.
Sa loob ng dalawang linggo, halos araw-araw nagsasagawa ng text brigade ang kampo ng presidentiable, pinakahuli sa paglubog ng barkong M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines gayong wala namang partisipasyon sa search and rescue operation. Naunang ipinakalat ng presidentiable ang “pag-eksena” sa isang kontrobersiyal na kaso subalit nabalutan ng pagdududa ang partisipasyon ng kumag kung kaya’t meron ibang kampo ng presidentiable ang bumaterya at nagka-counter sa text brigade nito.
Bilang resbak sa counter-text brigade, muling nagpakalat ng text messages ang presidentiable at inaakusahang inggitero lamang ang mga bumabatikos sa kanyang kampo, kasabay ang pagmamalaki nitong nababanaag ng mga kalaban ang pagkatalo kaya’t inaatake ito.
Sa huling text message ng presidentiable, matinding pagbubuhat ng sarili ang ginawa ng kumag, katulad ang pagmamalaking napakahusay nitong mambabatas at walang binatbat ang mga nagsusulputang pangalan sa 2010 presidential derby.
Clue: Saksakan ng plastic ang presidentiable at meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in ang hilig sa matandang karelasyon. Kung kelot o bebot ang presidentiable, ipagtanong kay Public Relation Information Bureau (PRIB) boy Norie Mercado.
|