June 28, 2008 - Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Pacquiao, nagrorosaryo araw-araw
Joe Barrameda
 

LAS VEGAS, NEVADA --- Kung ‘tahimik’ sa Pilipinas tungkol sa boxing match nina Manny Pacquiao at David Diaz, kabaligtaran dito sa Las Vegas.
Dumadagsa na sa Las Vegas ang mga kababayan natin mula sa Pilipinas at sa iba’t ibang parte ng Amerika para mapanood nang live ang bakbakan nina Pacquiao at Diaz.
Puspusan ang training ni Pacquiao at araw-araw ay nagdadasal siya ng rosaryo kasama ang mga kamag-anak at supporters.
Dito sa Mandalay Bay Hotel & Casino ay tuloy pa rin ang trai­ning niya.
Nu’ng Miyerkules ay nagkaroon ng preskon para sa nalalapit na bo­xing match.
Nag-umpisa nang magbawas ng timbang si Pacman para ma-achieve niya ang 135 pounds na requirement para sa WBC Lightweight title.
Mapapanood ngayong Sabado sa Pinoy Records ang update ng pambansang kamao para sa nalalapit na boxing match.
Ang pagkakaiba lang ngayon ay may mga personalidad na madalas manood ng laban ni Pacman ang hindi makakarating dahil sa mga trabaho sa Pilipinas.
Si Senador Bong Revilla ay super busy sa programa niyang Kap’s Amazing Stories; ang co-host sa Pinoy Records na si Chris Tiu ay may basketball tournament; at si Annabelle Rama ay abala sa promo ng My Monster Mom.
***
Tuluy-tuloy pa rin ang mga kasayahan sa Zirkoh Greenhills at lalo pang dumarami ang nanonood dahil nagbalik-Zirkoh si Gladys Guevarra na napapanood tuwing Huwebes nang gabi sa Zirkoh Greenhills.
Sa lahat ng gustong makita muli ang performance ni Gladys Guevarra, go na kayo sa Zirkoh Greenhills at sa iba pang Zirkoh at Klownz comedy bar.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES