June 28, 2008 - Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
SNOOKY, PINALAYAS SA CONDO
Abu Tilamzik
 

MAY bagong unos sa buhay ni Snooky.
Ang huling balita ko, nilayasan siya ng panganay niyang anak.
Nang nakausap namin ang aktres, itinatanggi niya ang isyung paglalayas ng anak.
Pero hindi na raw niya kasama ang lahat na mga anak niya dahil kinuha na raw ito ni Ricardo Cepeda.
Pumayag na raw siyang ibigay kay Ricardo dahil na rin sa kalagayan niya ngayon.
Nakikitira na naman si Snooky sa mga kaibigan dahil pinalayas na siya sa tinitirhan niyang condo unit.
Nakakaawa ang kalagayan ni Snooky dahil wala na siyang natitirhang sariling bahay, hindi pa niya nakakasama ang mga anak niya.
“Wala naman akong magagawa. Hirap naman ako ngayon. Pero syempre, alam mo ang naramdaman ng isang ina na sabi nga, kahit nagdidildil lang kayo sa asin, basta kasama mo lang ang mga anak mo. Alam mo ‘yun,” madamdaming pahayag ni Snooky nang nasalubong namin siya sa isang restaurant sa Tomas Morato nu’ng Huwebes nang gabi.
Ang alam ko, hindi rin sila magkasundo ngayon ng kanyang Mommy Mila Ocampo pero hindi na namin ito napag-usapan ni Snooky.
Nagpapasalamat si Snooky dahil sa tulong ng mga malalapit na kaibigan, hindi siya nagugutom.
***
Sa pangalawang taon ay nag-renew ng kontrata si Dingdong Dantes bilang endorser ng Mario D’Boro shoes.
Saksi kami kung gaano ka-supportive ang Mario D’Boro sa career ni Dingdong.
Tumutulong sila sa activities ng aktor. Kaya wala nang maraming demands, pumirma muli ang aktor.
This time, kasama ni Dingdong si Angelica Pa­nganiban at bagay naman silang tingnan.
Sa presscon nito, napag-usapan namin ni Dingdong kung saan niya inilalaan ang mga kinikita niya lalo na’t sunud-sunod ang mga endorsement niya.
“Meron naman akong pinaglalaanan. Basta naka-safe lang iyan. Me­ron akong gustong simulang business before the year ends. Sana, matuloy,” sagot sa amin ng guwapong aktor.
Nag-iipon siya para sa kanyang sarili at sa pamilya, pero kung ang tinutukoy daw namin ay paglagay sa tahimik, hindi pa niya iniisip iyun.
“Siguro, three years from now, baka doon na ako magsimulang magbilang,” nangingiti niyang pahayag.
Ini-enjoy niya muna ang pagiging binata.
Pwedeng si Karylle na nga ang babaeng pakakasalan niya pero hindi raw tayo pwedeng magsalita nang tiyak.
Marami pang pwedeng mangyari bago dumating ang araw na iyun.
Pero sana si Karylle na nga dahil siya raw ang babaeng kailangan mong seryosohin na pang-habambuhay.
Maganda nga ang takbo ng negosyo nila ni Karylle, ang Centerstage sa may Tomas Morato, QC.
Malapit nang buksan ang isang branch nito sa Jupiter St., Makati.
Bukod sa mga binabalak na negosyo, pinagkakaabalahan pa rin ni Dingdong ang iba’t ibang projects na nakakatulong sa mga kabataan.
Matagal na siyang active sa iba’t ibang activities para sa mga kabataan at balak na nga niyang magtayo ng isang NGO para lalo niyang mapursige ang pagtulong sa mga kabataan.
“Kahit siguro umabot pa ako ng 35 years old, pwede pa akong mag-active sa youth-oriented groups,” sabi pa ni Dingdong.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES