INAAYOS na ni Lorna Tolentino ang 40th day ni Rudy Fernandez sa susunod na buwan.
Gusto ni Lorna, mga kapamilya at malalapit na kaibigan lang ang dadalo dahil limitado ang lugar sa puntod nito.
Ang isa pang pinagkakaabalahan ni Lorna ay ang pagpapatayo ng mausoleum dahil araw-araw siyang dumadalaw roon.
Mukhang gagastusan niya ito nang husto dahil gagawin nilang halfway house ang mausoleum na iyun.
“Para lagi naman kaming mag-bonding kay Papa,” pahayag ni LT.
Kung nalagpasan na ni LT ang mamalagi nang matagal na panahon sa hospital, ngayon ay familiarized na siya sa sementeryo dahil sa araw-araw na pagdalaw sa puntod ni Kuya Rudy.
Meron na siyang nakilalang isang biyuda na rin sa The Heritage Park din nakalibing ang asawa.
Na-touch si LT sa ipinadalang sulat nitong babaeng napakabatang nabiyuda.
Marami siyang natutunan sa ibinahaging mensahe ng babaeng ito na nagpagaan ng kanyang kalooban.
Nakatakdang umalis si LT pa-Dubai kasama si Sen. Jinggoy Estrada para sa pelikulang Katas ng Saudi na ipalalabas sa mga Pinoy roon.
Baka isama ni LT ang anak na si Ralph na madalas niyang nakakasama. Ang isa pa niyang anak na si Renz ay abala sa pag-aaral.
|