JUNE 21, 2013 FRIDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 20, 2013
As of 2:30 pm
U. States 43.7099
Bahrain Dinar 115.932
Can Dollar 42.4015
Euro 57.9162
Aus Dollar 40.3652
HK Dollar 5.63595
Japan Yen 0.449360
Saudi Riyal 11.6547
S’pore Dollar 34.3536
Taiwan Dollar 1.45770
UAE Dirham 11.9000
UK Pound 67.5035
 
Custom Search
LOLO AT LOLA LUMABAN SA HOLDAP
Ni Cherk Almadin

Wala nang sinasanto ang mga notoryosong galamay ng riding-in-tandem makaraang barilin ang mag-asawang matanda na pumalag habang hinoholdap sa labas ng isang drugstore sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Bunsod ng insidente ay sugatan ang mag-asawa na kinilala ni PO1 Jeffrey Diego, ng Caloocan City Police Substation 1, na sina Mario, 66-anyos, at Rosa Ferrer, 62, kapwa residente ng Meliguas St., G.P., ng nasabing lungsod. Samantala, hindi pa nakikilala ang dalawang kalalakihang suspek na lulan ng isang Honda motorcycle na kulay itim.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-3:45 ng hapon nang mangyari ang insidente sa tapat ng Mercury drugstore. Kakatapos umanong bumili ng gamot ng mag-asawa para sa kanilang maintenance sa high blood nang lapitan sila ng dalawang lalake at tutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap.

Pilit umanong inaagaw ng mga suspek ang bitbit na shoulder bag ni Lola Rosa na may wallet, na may lamang government identification cards; perang nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P6,000, at mga Samsung cellphone na nagkakahalaga ng P15,000 pero mahigpit ang pagtanggi ng matandang babae na ibigay ito.

Tinangka rin umanong ipagtanggol ng lalakeng Ferrer ang kanyang asawa ngunit hinawakan siya ng isa sa mga suspek at walang awang ibinalibag at saka inagaw ang bag ng kanyang misis.

Nagmatigas pa rin si Lola Rosa na hindi binitawan ang bag kaya binaril na ito ng isa sa mga holdaper at tuluyang nakuha ang pakay kung saan mabilis na pinaharurot ng mga salarin ang kanilang motorsiklo na tumakas patungo sa direksyong A. Bonifacio Avenue, 11th Avenue Extension.

Sinaklolohan naman ng mga nakatambay at mga barker ang dalawang matanda na isinugod sa pinakamalapit na ospital kung saan sa braso lamang tinamaan ng bala ang babaeng Ferrer, samantalang nagtamo ng mga sugat sa siko, tuhod at noo si Lolo Mario

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION