June 20, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Mga balitang pangmedisina
Doc. Zaide
 
Ang paggawa ng isang hindi tunay o natural na buhay (artificially engineered life) ay isa sa pinakamataas na ambisyon ng science ngunit ito ay kinakatakutan ng maraming tao sapagkat napakaraming pagtatalo ang lalabas. Noong taong 1932 lumabas ang isang nobela – Brave New World – na sinulat ni Aldous Huxley na ipinagbawal na ang natural human reproduction at gagawa na lamang ng mga sanggol sa laboratoryo at lahat ng tao ay magiging walang mali o perfect at hindi sosobra ang bilang ng tao sa mundo.
Sa J. Craig Venter Institute, ang mga siyentipiko ay nakadiskubre ng isang mas mahusay na paraan upang makagawa ng “synthetic genome” na baling-araw ay magagamit sa paggawa ng artificial life. Noong 2007, nakagawa sila ng DNA ng isang mikrobyo (E. Coli) ngunit napakahirap at napakatagal bago makagawa nito. Ngayon nakatuklas sila ng isang uri ng yeast na tinatawag na Saccharomyces cerevisiae na mas madaling gawaan ng synthetic genome. Ito ay ipinahayag sa Proceedings of the National Academy of Sciences. Si Venter at ang kanyang grupo ay walang tigil pa rin na naghahanap ng paraan na makagawa ng isang bacterial cell na gagamitin ang synthetic genome sequence ng mikrobyong Mycoplasma genitalium. Itong mikrobyo ang nagtataglay ng pinakakaunting complex DNA structures ng anumang life form – 580 genes lamang. Ang tao ay mayroong 30,000 genes.
***
Noong taong 2005, sa USA, 60% ng infection sa ospital ay dulot ng Methicillin-Resistant Staphylococcus Aureus (MRSA). Sa 94,000 kaso ng MRSA, 19,000 ang namatay. Hanggang ngayon, kinakatakutan itong MRSA. Kamakailan, mayroong dalawang bagong antibiotic ang lumabas na epektibo raw na panggamot ng MRSA. Ang una ay tinatawag na PTK 0896 na gawa ng Paratek, isang kumpanya sa USA, na may 5% mas epektibo kaysa sa Zyvox na gawa ng Pfizer. Ang pangalawa ay ang Iclaprim na gawa ng Arpida sa Switzerland. Kahit na sa pahayag na ito, ilang mga siyentipiko ay hindi umaasa na magiging epektibo ito. Sabi ni Karen Bush, ang hepe ng Johnson and Johnson Pharmaceutical research and development division na karamihan sa mga gamot na ito ay galing sa grupo na naimbestiga na at nakitang hindi talaga epektibo laban sa MRSA. Sabi ni Dr. Michael Scheld ng University of Virginia School of Medicine na halos walang gamot ngayon ang talagang maaasahan laban sa MRSA at baka 5-10 taon pa bago makatuklas ng gamot laban sa MRSA.
 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES