June 20, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Chiz kinatatakutan na sa 2010
(Boyet Jadulco)
 

Sa kabila ng mga black propaganda laban sa kanya, natutuwa pa rin si Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil kinatatakutan pala ng ilang presidentiables ang posibleng pagsabak niya sa 2010 presidential elections.
Ayon kay Escudero, ang paninira laban sa kanya ay hindi niya ikinagagalit kundi natutuwa pa siya dahil kahit paano ay natatakot pala ang ilang presidentiables sa posibleng pagsabak niya sa pampanguluhang halalan.
“Minsan mas maganda na rin siguro ang pinapansin ka kesa hindi ka pinapansin,” patutsada ng senador na tila ipinaparinig sa ibang presidentiables na hindi naman nababanatan dahil sa mababang rating sa survey.
Noong Huwebes ay ipinadala sa Senado ang sobre na naglalaman ng sticker ng tambalang Chiz at Loren sa 2010 elections subalit ang nakasira rito ay ang nakasulat na donated ito ng Smartmatic, ang kumpanyang nanalo sa P7 bilyong kontrata ng Commission on Elections (Comelec) sa poll automation.
Kung hindi masyadong ikinagalit ni Chiz ang pagkalat ng nasabing sticker, labis-labis naman ang pagmamaktol ni Sen. Loren Legarda na ikinonsidera lamang bilang running mate ng senador.
“The distribution of campaign stickers bearing the words “Chiz-Loren in 2010, donated by Smartmatic” was a cheap gimmickry and a pathetic attempt at a smear job,” ayon sa statement nito.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES