June 20, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
60% ng polling precinct tatapyasin sa 2010 polls
(Jun Tadios)
 

Magkakaroon ng ma­laking pagbabago sa takbo ng pambansang halalan sa Mayo 2010 ayon sa Commission on Elections (Comelec) dahil tatapyasin ng mahigit 60 porsyento ang mga polling precincts na nakagawian nang gamitin tuwing halalan.
Aminado ang Comelec na maaaring pagmulan ng kaunting kalituhan sa mga botante ang pagbabago sa polling precincts, pero nilalapatan na umano ito ng solusyon.
Sa panayam kay Come­lec Commissioner Rene Sarmiento, ipinaliwanag nito na noong 2007 election ay gumamit ang Comelec ng 250,000 polling precincts, pero pagdating ng 2010 ay 80,000 presinto na lamang ang pagaganahin.
Ayon kay Sarmiento, 82,200 na precinct count optical scan (PCOS) machines lamang ang kinomisyon ng poll body na gamitin sa halalan kaya magtatayo lamang ng 80,000 polling precinct, habang ang 2,200 na spare machines ay magsisilbing “back-up”.
Sinadya umano nilang sobrahan ang rerenta­hang makina upang may nakaantabay na makina sakaling magkaaberya ang mga nakaposteng PCOS sa polling precincts.
Ang bawat PCOS ay kayang mag-accommodate ng hanggang 1,000 botante kaya tiniyak ni Sarmiento na kayang tanggapin ng system ng poll automation kahit abutin ng walumpung milyon ang boboto sa halalan.
Ayon pa sa Comelec, posibleng pag-isahin na lamang ang mga presinto na maliit ang botante para mahabol ang adjustment ng polling precinct.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES