June 20, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Pinoy una sa H1N1 sa Macau
(Aries Cano)
 

Isang Pinoy na nagpositibo sa Influenza A(H1N1) virus ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng swine flu sa Macau.
Ang 27-anyos na Pinoy ay napigil umano sa airport dahil may lagnat noong Miyerkules, Hunyo 17. Dinala agad ito sa ospital at nakumpirmang positibo ito sa virus nitong Huwebes.
Gayunpaman, nasa maayos na umanong kalagayan ang naturang Pinoy.
Kaugnay nito, nagpositibo rin sa H1N1 ang isang Pinay sa Singapore, ayon sa ulat ng Singapore Ministry of Foreign Affairs.
Bukod sa naturang Pinay, may 13 pang Pinoy na nagkaroon close contact sa isang kumpirmadong H1N1 victim ang isinailalim sa quarantine.
Umaabot na umano sa 24 ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa Singapore ang inisyuhan ng Home Quarantine Orders.
Samantala sa ulat ng Philippine Consul General sa Hong Kong, dalawang Pinoy na bumiyahe sa Hong Kong ang kasalukuyang nakaratay sa ospital matapos kumpirmahin ng health authorities bilang dalawang bagong kaso ng H1N1 sa naturang teritoryo.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES