June 20, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
FVR wala nang asim, nagpaparamdam lang!
(Rey Marfil, Bernard Taguinod)
 

Wala nang asim si da­ting Pangulong Fidel Ramos at nagpaparamdam lamang umano ito o nagpapapansin kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang ilan sa mga kantiyaw na inabot ng da­ting pangulo mula sa mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso matapos magsalita si Ramos at hamunin si Pangulong Arroyo na linawin at ideklara na kung ano ang tunay na plano sa 2010.
Nang hingan ng reaksyon sa pag-iingay ni Ramos kaugnay sa Charter Change, sinabi ni Se­nate minority leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., na wala nang makuhang kapakinabangan si Ramos kay Mrs. Arroyo kaya’t binabaterya nito ang Constituent Assembly (Con-Ass) at pinagsasalita ito tungkol sa magiging plano kapag napaso ang termino.
Ayon kay Pimentel, naggagalit-galitan at nagda-drama lamang si Ramos at may ibang motibo ang pagdakdak nito pa’t wala ng mahihita ang dating Pangulo kay Mrs. Arroyo dahil malapit nang mapaso ang termino nito.
“Wala na sigurong nakukuha from GMA,” ani Pimentel.
Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi naman nina Nueva Ecija Rep. Edno Joson at Anakpawis party-list Rep. Joel Mag­lunsod na kahit anong dakdak ni FVR ay hindi na ito papansinin ni Arroyo.
“Ang problema kasi wala ng asim. Once you are out of power, wala ng K o karapatan si FVR,” pahayag ni Joson kaya wala na aniyang epekto ang panawagan nito kay Arroyo.
“Baka naman humihingi ng dagdag gratis o influence at space si former President Ramos sa administrasyon kasi outside de kulambo na siya,” pahayag ni Maglunsod sa text message.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES