June 20, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Gloria, resign muna bago tumakbo sa 2010
(Bernard Taguinod)
 

Iginiit kahapon ng isang opposition congressman na kailangang lisanin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arro­yo ang presidency kapag nagpasya itong tumakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa susunod na taon.
Ayon kay House deputy minority leaders Teofisto Guingona III, hindi dapat magpatuloy sa pamumuno si Arroyo sa Malacañang kapag naghain na ito ng kanyang certificate of candidacy hanggang Nobyembre 30.
Sinabi ni Guingona na dehado ang makakalaban ni Arroyo sa nasabing distrito kapag hindi ito nag-resign sa kanyang tungkulin dahil tiyak na gagamitin nito ang kanyang posisyon para manalo.
“She should step down because her position as sitting President gives her an unfair advantage over other congressional candidates in her district,” pahayag ni Guingona.
Nangyari na umano ito noong 2004 nang nakawin diumano nito ang presidency at posibleng mangyari muli sa susunod na eleksyon kapag nagpatuloy ito sa pamumuno sa Malacañang.
“Remember the Hello Gari scandals?” tanong ni Guingona kung saan ginamit umano ni Arroyo ang kanyang impluwensya kay da­ting Commission on Election (Comelec) Virgilio Garcillano para dayain ang resulta ng halalan.
Sinabi ni Guingona wala ng maniniwala kay Arroyo na hindi nito gagamitin ang lahat ng resources ng gobyerno para masiguro lamang ang kanyang panalo kaya upang maging patas aniya ang laban sa susunod na halalan ay dapat na itong magresign sa sandaling maghain ng kanyang certificate of candidacy.
“Mrs. Arroyo has no credibility. No one believes that she will not abuse her position again to mock our elections since she has already destroyed our democratic processes and institution during her nine years in power,” ayon pa kay Guingona.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES