JUNE 19, 2013 WEDNESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 18, 2013
As of 2:30 pm
U. States 43.1451
Bahrain Dinar 114.443
Can Dollar 42.3332
Euro 57.5115
Aus Dollar 41.0051
HK Dollar 5.56083
Japan Yen 0.454665
Saudi Riyal 11.5045
S’pore Dollar 34.2281
Taiwan Dollar 1.44301
UAE Dirham 11.7462
UK Pound 67.6182
 
Custom Search
Alden, binabantayan ng anghel
GORGY RULA

 

SI Alden Richards ang isa sa pinakamasaya at meron siyang pelikulang kasali sa darating na MMFF.

Kasama ang young actor sa 10,000 Hours ni Robin Padilla.

Hindi pa niya alam ang mga detalye ng pelikula at kung ano ang role niya pero alam niya na tinanggap na ito ng GMA Artists Center.

Excited siya siyempre lalo pa’t si Joyce Bernal ang magdidirek nito.

Masayang-masaya si Alden kahapon dahil nagkaroon siya ng time para maka-bonding ang kanyang amang si Mr. Richard Faulkerson Sr.

Nag-bowling sila sa SM North EDSA. Tuwang-tuwa ang mag-ama dahil kahit late, at least nakahabol silang nag-celebrate ng Father’s Day.

Malaki ang pasasalamat ni Mr. Faulkerson dahil kahit punung-puno ang schedule ng kanyang anak, naisingit pa itong maka-bowling niya na matagal na nilang hindi nagagawa.

Kumpleto sana ang kasiyahan ni Alden kung buhay ang kanyang ina. Pero alam niyang masaya ang mommy niya na itinuturing niyang angel na laging nakabantay sa kanya.

“Pag may times na kailangang-kailangan ko ng tulong, nagdadasal ako sa Diyos at kinakausap ko ang Nanay ko. Sinasabi ko sa kanya na medyo nahirapan ako mag-decide.

“Iyun, parang nagkakaroon ako ng peace of mind at alam ko, hindi talaga ako pinababayaan ng nanay ko,” pahayag ng aktor.

***

Finally, maipapalabas na ngayong araw ang pelikulang Bangungot (ATG Productions) sa SM cinemas.

Tampok dito sina Empress Shuck, Joross Gamboa at Kiray Celis.

Ito ang first directorial job ng DOP na si Jun Pereira.

Ito rin ang huling pelikulang ni-line produce ng kaibigang Jett Madrigal (RIP) ng Seiko Films.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION