JUNE 19, 2012 TUESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 18, 2012
As of 2:00pm
U. States 42.2011
Bahrain Dinar 112.064
Can Dollar 41.4246
Euro 53.7603
Aus Dollar 42.7756
HK Dollar 5.44706
Japan Yen 0.533406
Saudi Riyal 11.2683
S’pore Dollar 33.3465
Taiwan Dollar 1.41623
UAE Dirham 11.5061
UK Pound 66.3733
 
Custom Search

‘Lola Basyang’ inayawan ni Ryan

Jolo, nakatutok sa Cavite

GORGY RULA

 

PASOK ang fantasy na 38th MMFF ay ang Mga Kuwento ni Lola Basyang.

Dalawang episode ito na ang isa ay dapat na pagbibidahan ni Ryan Agoncillo pero tumanggi ito dahil ayaw niyang tapatan si Judy Ann Santos na leading lady sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si ME.

Inialok ang role na ito kay Ogie Alcasid pero tumanggi rin dahil gusto na raw nitong magbawas ng trabaho. Sa Unitel kasi ito at medyo nahirapan na silang tapusin ni Ogie ang I Do Bidoobidoo.

Kaya si Richard Gomez ang kinuha nilang kapalit at tinanggap ito ng aktor.

Kasama rito ni Richard sina Iza Calzado at Paolo Contis, na ididirek ni Mark Meily.

Dalawang pang-MMFF ang ididirek ni direk Meily dahil pasok din ang entry ni Gov. ER Ejercito na El Presidente.

Kaya lang, nu’ng in-announce ito sa MMFF, si Cristine Reyes ang binanggit na leading lady at hindi nabanggit si Nora Aunor.

Curious lang kami kung kasali pa rin ba si Nora dahil nakapag-shooting na ito ng ilang eksena.

Kaya lang, si Tikoy Aguiluz pa ang nagdirek ng mga eksenang iyun. Hindi kaya tinanggal na ang mga nakuhang eksena ni Direk Tikoy?

***

Ayaw magkomento ni Sen. Bong Revilla tungkol sa pagtakbo ni Phillip Salvador bilang Bise Gobernador ng Bulacan.

Hindi lang kami tiyak kung magkapartido ba sila ni Sen. Bong pero ang concern kasi ni Sen. Bong ay mas ma­buting tiyakin muna ang lahat bago magdeklara si Kuya Ipe na tatakbo ito.

Ang huling payo raw ni Sen. Bong kay Kuya Ipe ay magpa-survey muna sila bago ito mag-announce ng kandidatura niya.

Hindi pa raw niya alam kung nakapagpa-survey na ba ito.

Pero mas gusto ni Sen. Bong na siguradung-sigurado muna bago magdeklara, dahil mahirap nang umatras kung nagbago na ang isip.

Hindi kayang paba­yaan ni Sen. Bong ang bestfriend niya. Kaya mabuting mag-usap muna sila bago ito magbigay ng statement kaugnay sa pagpasok uli ni Kuya Ipe sa pulitika.

Ang alam naming halos sure nang tatakbo ay si Jolo Revilla.

Ang latest na naba­litaan namin ay tatakbo itong Vice Governor ng Cavite, kaya dito lang muna naka-focus ngayon ang young actor.

Ang Little Champ pa ang huli niyang nagawa sa ABS-CBN 2 at hindi muna siya nakakatanggap ngayon ng ibang trabaho dahil nasa Cavite lang ito lagi nagtatrabaho.

Nakausap namin ang ilan pang kilalang pulitiko sa Cavite at suportado raw nila si Jolo.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION