June 14, 2009 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 

EBIDENSIYA MALAKAS VS RUBY ROSE KILLERS
Shocking, madetalye-DOJ chief

Nina Tina Mendoza, Eralyn Prado at Bernard Taguinod
 

Naniniwala si Department of Justice Secretary Agnes Devanadera na may malakas na ebidensya laban sa mga itinuturong suspek sa pagkawala at pagkamatay ni Ruby Rose Barrameda-Jimenez, kapatid ng dating beauty queen at aktres na si Rochelle Barrameda, magdadalawang taon na ang nakakaraan.
“It’s very difficult to pinpoint the exact location of the drum. On the basis of what the police have gathered, merong malakas na ebidensya,” bahagi ng pahayag ni Devanadera.
Idinagdag pa ng opisyal na malakas ang akusasyon laban kay fishing magnate Atty. Manuel Jimenez Jr., at anim na iba pang sinasabing responsable sa krimen.
“Everybody is shocked, the manner that it was, gruesome, then, well of course, ‘yong informant masyadong madetalye. Mahirap mag-imbento na kaagad matukoy mo kung nasaan ‘yong drum,” dagdag pa ni Devanadera.
Gayunpaman, agad nitong nilinaw na nananatiling inosente si Jimenez, na biyenan ng biktima gayundin ang anim pa, hanggang hindi pa ito napapatunayan sa korte.
Sinabi pa ng bagong kalihim na sa takbo ng salaysay ng testigo na si Manuel Montero na isa din sa kinasuhan ng murder ay mahirap itong sirain ng mga suspek dahil kumpleto nitong naikuwento ang pangyayari hanggang sa positibong maituro ang lokasyon kung saan itinapon ang biktima.
Kasabay nito, iniutos ng DOJ ang pagsasailalim sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) kay Jimenez Jr. at 6 pa, batay na rin sa kahilingan ng pamilya Barrameda.
Warrant
of arrest iisyu
Samantala, kinumpirma ni National Capital Region Police office (NCRPO) chief Gen. Roberto Rosales na anumang oras ay ilalabas na ang warrant of arrest laban sa mga suspek sa pagpatay kay Ruby Rose.
Ayon kay Rosales, kung sapat na ang mga nakalap na ebidensya, gayundin ang pahayag ng saksi na magdidiin sa mga suspek ay susunod na ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga ito.
“Kung enough na yung pieces of evidence na na-recover pagkatapos yung stamement ng witness is really showed enough at pag nai-file na ang case immediately there will be issuance of warrant of arrest,” ayon pa kay Rosales.
Pera vs suporta
Sasabayan naman ng suporta ng taumbayan at iba’t ibang grupo ang kapangyarihan at pera ng biyenan ni Ruby Rose na itinuturong pumatay at naglibing sa kanya sa karagatan ng Navotas.
Ito ang sinabi ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza na pormal na nagbigay ng suporta ang kanyang grupo sa pamilya Barrameda.
Gayunpaman, hindi umano uurungan ng Gabriela ang pamilya Jimenez hangga’t hindi nakakamit ni Ruby Rose ang kataru­ngan na brutal na pinatay na tanging ‘hayop’ lamang ang may kakayahang gumawa ng nasabing krimen.
Magugunita na inahon sa karagatan ng Navotas ang kahon na naglalaman ng bangkay ni Ruby Rose matapos itong inguso ng sumukong suspek na si Montero sa mga awtoridad.
Kabilang sa mga kinasuhan sa DOJ ay sina Atty. Manuel Jimenez II, biyenan ni Ruby Rose; bayaw na si Lope Jimenez, may-ari ng Buena Suerte Jimenez Fishing and Tra­ding Company; Eric Fernandez, Spike Discalzo, Roberto Ponce alyas Abet, Rudy dela Cruz at Manuel Montero.
Nauna nang pinabulaanan ni Atty. Mario Aguinaldo, abogado ng pamilya Jimenez ang pagdawit sa kanyang mga kliyente sa krimen.
Kung totoong may kinalaman umano ang mga Jimenez sa krimen, hindi nila ipatatapon ang pinag­lagyan kay Ruby Rose sa Navotas.
Nanindigan ang kampo ng mga Jimenez na “hearsay” ang alegasyon na sangkot ang mga ito sa krimen sa kabila ng testimonya ng testigong si Montero.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES