'BAWI MO KUYA'

Panalo na, natalo pa!

Lady Falcons, lumipad ang tsansa sa semis

LeBron dapat bwenasin

Cebu unang team sa semis

100 entries sa SJC int'l derby ngayon


SPORTS UPDATE

100 entries sa SJC int'l derby ngayon


Lulusob sa San Juan Coliseum ang libu-libong apisyonado ng sabong dahil ngayon na lilipad ang pinakahihintay na sagupaan ng mga derby champions sa second leg ng "SJC 8-Cock International Derby" umpisa alas-kuwatro ng hapon.

Host ng tatlong araw na labanan si SJC owner Rodolfo Pineda na nag-imbita ng mahigit 100 local at international derbyists na aasinta sa premyong P5 milyon. Mismong si Pineda, kampeon sa 2006 NCA International Derby, ay magpapasok din ng entry.

Mapapalaban agad ang defending champions na sina Patrick Antonio, Joe Sanford ng California at Mayor Buddy Dunca sa mga sikat ding sultador gaya nina Sonny Lagon at Bruce Barnette ng Alabama (Blue Blade Delta), Boy Marzo (BMRR Riyadh) at Jun Topacio at Gene Batiea ng Mississippi.

Inaabangan ng mga dehadista ang pambato nina Sam Mendoza at Ricky Valencia na kagagaling lamang sa pagkakampeon sa Makati Invitational Derby kamakailan; Dori Du ng Davao, 2006 Bakbakan champion Bobby Doromal, Wakee Salud ng Davao, Tony Oppen, Emil Chua, Richard Bates at Pepito Ngo.

Aasa naman ang mga liyamadista kina World Slasher Cup champions (first leg) Cyrus Hao at Gengen Arayata, Rep. Baby Asistio, Mike Romulo, 2007 Rambulan champions Allan Siaco, Boy de Roca at Rio Salceda, Gerry Ramos, 2007 GCAP Cocker of the Year Pol Estrellado at Totoy Haruta.

Kakasa rin sina Peter Uren ng Australia, Jorge Torres at Emitte San Juan ng California, Morinubo Taniguchi at Noriaki Morita ng Japan, Joseph Toralba at James Sander ng Louisiana at Paul Fassot ng California.

Nakaprograma ngayon ang 2-cock elims habang sa Miyerkules ang semis at Biyernes and finals. Tumawag sa 725-5369 at 725-6563 o 0917-8041691.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top