'BAWI MO KUYA'

Panalo na, natalo pa!

Lady Falcons, lumipad ang tsansa sa semis

LeBron dapat bwenasin

Cebu unang team sa semis

100 entries sa SJC int'l derby ngayon


SPORTS UPDATE

Cebu unang team sa semis


Nag-amok sa opensa ang Cebu sa second inning tungo sa 9-5 victory kontra Laguna kahapon para sungkitin ang unang semifinal berth sa pilot series ng Baseball Philippines sa Rizal Memorial diamond.

Walang pinalusot na run si Joseph Orillana kahit pa tinamaan ng apat na hits sa five-inning starting job upang ibigay ang espasyo sa Dolphins na nakaungos sa umpisa sapat para maging puhunan at alpasan ang huling hirit ng Tigers sa dulo ng laro.

Sina Darwin dela Calzada, Miggy Corcuera, Jordan Orobia at Francis Rosales ang nagtulung-tulong sa 5-run splurge sa ibabaw ng ikalawang frame na nagpapalo sa Cebu sa ikatlong sunod na pananalasa sa event na ipiniprisenta ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs.

"I’m happy we’re in the semifinals," sabi ni Cebu coach Isaac Bacarisas.

Matapos palitan si Orillana ni Korean Jeung Sun, nakabuwelta ng tatlong runs ang Tigers sa ibaba ng sixth inning sa pagpukol ni Denver Lago ng three-run double sa centerfield.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top